9/15/2024

Dream Journal on a Slow Sunday

Nanaginip ako.

Kasama ko yung kalandian ko, pumunta kami sa PUP Sta Mesa para manghingi ng tulong sa President Prudente sa hindi mai-explain na dahilan. Hindi ko alam kung may kaso ba ako, o feel ko lang mag-walk down the memory lane. 

Dala niya ang convertible, dumaan kami ng Pandacan Oil plant at Osmeña Highway at nagtaka siya bakit dun ako nakatapos ng college. Nang sinabi kong idaan sa pusod ng Sta. Mesa, mas nakita nya ang bangis ng kaligiran ng Altura at Teresa, nang biglang may tren na dumaan at nabangga ang Vios. Nang kami na ang tatawid sa riles via pinalawak na Teresa street, nakita ko mula sa kanang side mirror ang kotseng nabundol. Pipi, parang silver car na nilapirot at nangitim.Pagdating namin sa gilid, sinabihan kami ng isang volunteer na magtestify sa barangay hall dahil isa kami sa saksi. Kinabig ko si ate na pupunta muna ako sa Presidente at siya'y tumango sabay sagot ng, "Sakto, 69. Yan din ang bayad mo sa parking dito sa gedli, ako na mismo magbabantay."

Takang-taka ang kadate ko nang magulat siyang kilala ako. Retouch ng red Mac matte finish, konting reapply ng Joe Malone, pumasok ako sa gate nang pinatigil ang kasama ko. "Hindi ka namin kilala. Alumni ka ba rito?" Nagalit yung kasama ko kung bakit hindi in-allow pumasok at hinanapan pa ng written explanation dahil wala naman siyang ID, at nagsimulang umapila dahil pumasok lang ako nang walang pasubali habang titig na titig sa aking bibig. "Babalik po ako, samahan ko lang po sya nang mabilis." 

Dumaan kaming catwalk. Nagtaka siya at ang konti ng mga tao. "Wala bang pasok?" Ang naisagot ko na lang, "kakaulan lang siguro at katatapos lang ng baha. Or maaaring online class sila today." Pagdating sa South Wing, nagkaroon na ng sariling pwesto sa Sampaguita Canteen ang tagagawa ng Chicken Ala-King rice meal at FEWA, at may videoke na rin sa  loob. Nasabi ng date ko na dun siya maghihintay at hahanap ng kausap, at maghahanap sya ng sasagot sa tanong na bakit hinahanapan ng written explanation ang hindi naman alumni. "Hindi ba dapat ang edukasyon ay bukas sa lahat!? At bakit parang kilalang-kilala ka rito? Sabi mo sa BGC ka manager. Grumadweyt ka lang at nagka-CPA eh ang asta ng paligid ay parang may-ari ka ng school eh."

Iniwanan ko siya sa canteen, tinanong ang isang lalakeng patapos nang kumain kung saan na ba ang office ng President Prudente. Sumagot ng "mam baka andun pa rin sa Cashier Office, parang nagmamadaling galit." Tinanggal ko ang mic sa videoke at sinabi kong, "siguro kapag tinupi ang cord, gaganda ang tono at echo" saka ito ibinigay sa kanya.

Naglakad akong muli at naamoy kong muli ang pinaghalong sangsang ng Ilog Pasig at nasusunog na petrolyo mula sa Pandacan. Bumati sa mga guard, sa mga ateng nagwawalis sa kabilang dulo ng West wing, bago ako napadpad sa Cashier's Office. Pagkakatok ko, dahan-dahan akong pumasok, at namataan ko ang presidenteng suminghal, mukhang katatapos lang ngumawngaw. Lumingon at nakita ko, sabay sabing "Hello."

Tapos nagising na ako. 

9/11/2024

Nakakapagod na Kapangyarihan

Ang Kapangyarihang Higit sa Ating LahatAng Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat by Ronaldo S. Vivo Jr.
My rating: 4 of 5 stars

Ang hirap.

Parang nanganay ako sa pagbabasa ng aklat na ito. Ganito ba talaga ang transgressive fiction? Masyadong nakakulong, at ang hirap i-ire at kumawala sa mundong ginagalawan nina Dodong, Buldan, Butsok, Marife, Myla, Atong, Jepoy at ng mga tsismosang kapitbahay na takot na takot makanti ng pulis.

Nakakatuwa lang na nadadama ko yung mapangahas na panulat ni Ronaldo Vivo at yung rigor nya sa paglikha. Na itong mismong Dreamland ay gustung-gusto na niyang isulat at ipakilala sa mundo. Nadama ko yung kawalang-tulog para mai-type at maiipon ang materyal, ang kawalang-pake sa paulit-ulit na mekanismo ng eksena ng panghahalay sa kapwa babae at lalake, ang pag-rehash ng pamamaraan ng pagpaslang at pagsisilid ng item, at kung paano niya naitagpi ang lahat at inilagay sa isang lalagyan. Nabigatan lang ako siguro dahil nasanay ako sa sensibilidad at relatability ng Bangin, at tila ayoko na rin balikan ang naging mga kwento ni Mama noong bata pa ako sa looban ng Pasay at mga gedli ng Pineda. Mahirap maging mahirap.

Nakakamangha at nakakatawa na may mga buong boses ang manunulat sa ibang mga eksena nito. Kapag narinig mo si Boss Vivo sa isang panayam, o kahit sa mga status nya sa facebook, malalaman mong sa kanya ang tinig. Ito ang halimbawa:
Ang hirap sa mga nasa posisyon, akala nila lahat ng tao ay kaya nilang ululin. Putsa, kahit mga tubong looban na hindi nasayaran ng edukasyon ang kukote, marunong ding mag-isip. Nagkataon lang na sila ang inarmasan ng gobyerno kaya ang lalakas ng loob ng mga putang ina, mga lasing sa kapangyarihan. Bawal magsabing kung anumang nasa isip, lalo kung 'di maganda sa pandinig nila, dahil wala naman ni ga-kulangot na tutong na magandang msasabi tungkol sa kanila. Kaya ang mangyayari, mananahimik na lang kaysa tinggaan sa ulo.

Mas lalo akong natakot sa ginagalawan kong realidad dahil magsa-sampung taong gulang na ang libro, pero hindi pa rin nagbabago ang kahayupan ng kapulisan, at ang paningin sa mga maralita na parang basura lamang. Na tunay ngang ang mga nasa laylayan ang nagpapatayan habang ang mga nasa kapangyarihan ang nagpapakasasa ng kaban ng bayan.

View all my reviews

9/08/2024

Givvup. Chirrup.

 Dear M—, 

Nagtitipid ako ng kuryente, kaya nagpapahangin ako sa balkonahe. Konting moment kasama ang natatanaw na magaang trapik ng C5. Just vibing, nakatingin sa galaw ng mga sasakyan. Pero boring din, kaya nag-ML ako. Isang round ng rambol. Habang naglalaro, hindi ko mapigilang lumuha. Kapag tinanong ako sa work anong ginawa ko sa weekend: 

Umiyak.

Gusto ko lang iluha ang lungkot this weekend. Iluha sa taong hindi mamumuna kung bakit ako ganito, o magpapayo, o maghahanap ng solusyon para maibsan ito. Ilabas ang hapis sa taong hindi ka ija-judge. Hormonal siguro, o maaaring matagal nang naikubling damdamin sa paglaban sa araw-araw. 

Nai-imagine ko na may tatabing tao rito sa akin, o magsatao man lang itong basil, ipakita niya ang marikit niyang anyo, tapos pupunasan lang ang pisngi ko. Sabay sa ingay nitong C5, dudungaw din sya at makiki-vibe. 

Tapos tatanungin nya ako ng "Why you sad, why?"

Sasagutin ko, "Marami. Ito yung mga moment na naiisip kong napag-iiwanan na ako ng mga kaibigan ko. Leftover na sa circle of friends ko."

At sasagot sya nang may pag-along ngiti, "Give up."

Bigla akong makakarinig ng mga maliliit na huni mula sa mga snake plant at sasabat ng, "Give up eks! NO NO NO NO. Chirrup."

Cheep up pala.

8/31/2024

Baler Moments - Initial Draft

Ikatlong biyahe ko na ito sa probinsya ng Aurora: 
1. Taong 2010 nang maliit pa ang Bay's Inn at literal syang bungalow na may maraming kwarto at lugawan sa gitna. 
2. Taong 2019 nang unang umiyak sa takot na masaktan ng jowa-jowaan; at
3. Ngayong taon, dala ng inggit. 

Hindi ko mai-deny sa sarili na biglang naglilipana ang mala-Bathalang kasalanan ng inggit at tila linta kung kumapit. Naiinggit ako sa mga walang dala-dalang utang; sa may kakayanang mag-abroad nang walang inaalalang kaperahan; lalung-lalo na sa mga nakakapagsulat kahit sila ay nakatago sa sulok ng kanilang day jobs, o sa pagiging estudyante, o sa pagiging anak lang. Ganun. Andami kong planong isulat, gawing dumpster ang facebook. Pero kung ang profile ko ay magiging sanaysay ng mga reklamo, hindi maganda ang magiging ambag ko sa mundo (mapa-online o offline), at magiging footprint ko bilang user nito. 

Pero kalma lang kasi, Ella. Nai-address mo na yung isang linta ng inggit. Nakaligo ka sa dagat, naasinan ang sarili. May manaka-naka pang kaunti pero hindi pa naman niya nasisipsip ang kabuuan mo.
Eka nga ng manager ko kamakailan, "Ella, the world is your oyster." Ang nasa isip ko paglabas ng napakahabang mentoring (at therapy) session ay "Kailangan kong kainin yang oyster bago ako lamunin ng mundo". Kaya lang, walang oyster sa Baler. Calamares lang. 

Baler looks like a nice laid-back retirement place of passive income, surfing, and writing reflections. Siguro ito yung "if hindi kaya ng budget ang Iloilo" plan D ganern. 

Plan A: Delulu route to Europa
Plan B: Singapura wife at 66
Plan C: Chill Iloilo Auntie from Pasig

Pero bago ang mga delulu is the onli solulu lore, narito na at kahit paano'y naasinan na rin ang isang linta. Tignan mo, nakagawa ng maikling sanaysay. Iwo-workshop na lang pag-uwi sa bahay. Lamnan ng mga detalye ng biyahe bilang chance passenger, ang biglang pagkonti ng mga pasahero pa-Baler, ang ingay ng radio static ng bus na parang nagsesend ng morse code sa mga alien na nakaparada sa mangilan-ngilan na bituin, bago sila takpan ng ulop at bumuhos ang ulan, habang binabaybay nyo ang kahabaan ng Central Luzon expressway na tila minadali ng San Miguel Corporation kaya may kaunting bako kung saan. 

then Mama commented on facebook. this should have another session of writing workshop on a weekend.





8/17/2024

Pabiling kalansay ssob

Mga Kalansay sa Hardin ng PanginoonMga Kalansay sa Hardin ng Panginoon by Ronaldo S. Vivo Jr.
My rating: 4 of 5 stars

Putting this as 4-stars because of the jumbled pages of my copy, it took a little bit of time just to get 2 short stories done. But I am happy that I was able to see the collection and its tidbits rehashed to put additional layers on his Dreamland trilogy. This fills in some of NPCs outside the main world of his three novels.

I forgot to ask him if Erik Matti is aware of the character Kuwestiyon because a specific film character reprised in the film Buy Bust.

PS: Most hated story: Backpay Blues (Vivo is not yet adept to flesh out a female main character)
Most recycled materials: Ang Embalsamador Ni Hesukristo at Dianson Park
Most endearing story: Tuwing Naglalaho ang Ating mga Anino

View all my reviews

7/19/2024

Asano-kun's Playing with the Light

Light Trap, YuugatouLight Trap, Yuugatou by Inio Asano
My rating: 4 of 5 stars

Man, what a dream.

I was looking at the panels of light paintings and very hazy and confusing shots, but when it is nearing the end, the lines became too symmetrical and straight. It just clicked on me that any small talk, or any fever dream you have through the night will make zero sense when your eyes are being blinded by the white light.

View all my reviews

7/17/2024

SocMed Mulling

Andami kong nababasa sa IG feed about being burnt out sa buhay corporate at ng payong gumawa ng wala  (Alamat ng Gubat, 2003) pero heto na naman ako sa doom scrolling about JIRA tickets, millenial rants, and capybara memes and plushies. 

Kaadikan na ba talaga ang nararanasan ko? Nakatutok ako sa phone kakatingin ng travel itineraries at nalulugmok sa inggit, pero yung gusto kong retirement career sa pagsusulat eh nahihirapan akong bunuin. Parang namamatay ang kagustuhang lumikha sa bawat salimuot na nakikita ko sa social media. Pagkatapos, muling nanghihingalo ang kagustuhang sumulat dahil sa kalakaran ng malaking book fair sa kamaynilaan na ang gusto lang ay kumita, walang bisyon na palawakin ang demokrasya at access sa mga aklat. 

Gusto ko ring lumaban, sa paraang kaya ko. Pero bakit yung kagustuhan at unti-unting napapatay ng mga ingay sa loob at labas ng algorithm? Anong reset ang kailangan ko? 

Do I need to touch grass as a sigma girl-boss, before my consciousness gets yeeted into the Ohio dawn? (Elle Cordova, 2024)

6/19/2024

David Nicholls, very apt

Sweet SorrowSweet Sorrow by David Nicholls
My rating: 3 of 5 stars

(Liked the commentaries about art and how sometimes it becomes unreachable to the general public, or making it too posh, and how it influenced the lives of people making it, or consuming it.

Some parts are slow to read, like the long sumertimes of UK. Some are really boring and slow and even problematic, especially tackling about broken families and the lack of drive and its effect, the lack of sufficient funds to live, taking a toll on one's mental health.)



View all my reviews

5/23/2024

Rank G sa Bangin

Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga PaaAng Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa by Ronaldo S. Vivo Jr.
My rating: 5 of 5 stars

"Anong rank mo?"
"Mythic na. Hindi nga lang makalampas sa 25 stars. Laging akyat-baba sa RG."
"Aahhh."


Tatanong-tanong tapos hindi ako isasali sa rank gaming. Qiqil.

Hanabi main ako sa ML. Marksman ang pabebe role ko kapag nase-stress ako sa trabaho at gusto kong mantrashtalk. Ginagawa kong outlet ng galit ang ML. May mga araw na kahit antok na antok na ako ay iga-grind ko pa rin ito, kahit ang mga battle points naman dito ay hindi kayang maipalit as crypto. Also, bawal rin ang sugal sa mga katulad naming banker. Baka masisante ako sa trabaho.

Mula noong pandemic lockdown, nakahiligan ko na ang abugbog berna at ganking ng ML to the point na lahat ng galit ko — mula sa trabaho, sa binabasa kong libro, sa sitwasyon ng mundo — iminumura ko sa mga bonak kong kalaro. Madalas, wala akong kasamang tank na makikisayaw sa rambol, o magti-TP man lang para mang-istir, o iikot at dadalaw sa lane ko habang nang-iipon ako ng pambili ng item para mas lalong lumakas. Lalo akong nagaglit kapag sunud-sunod ang lose streak. Kapag limang sunud-sunod, nakakagago. Mas masarap magmura. Mas masarap sabunutan ang kalarong hindi mo makikita kahit surang-sura ka na. Hanggang sa ang galit na iyon ang magpapaapoy para ituloy ang laro, at hindi ko namamalayang ninanakawan na ako ng oras ng pagtulog.

Ganitong level ng galit ang naramdaman ko habang binabasa ko ang nobela ni Bhosz Vivo mamen. Nakakagagong isinasampal sa akin na mula noong mamulat ako sa Mabangis na Lungsod ni manong Efren Abueg ay hindi pa rin nagbabago ang bulok na ugali ng mga pulis. Kung sinong dapat ang tutulong sa iyo... naku, kapag napagtrip-an ka, silang mismo ang papaslang sa iyo. Ang daming poot habang binabasa ko ang bawat galaw nito nina Rey at Benjo. Ride or die talaga ang overdrive adventure nila. Feeling ko hindi Hanabibi ang peg nito ni Rey, mas fighter siya katulad ni Aulus. Tangan-tangan ang pambihirang martilyo, nilibot niya ang mala-jungle na kamaynilaan, matunton laman ang tunay na lokasyon ng nawawalang anak na si Alison. Tapos, tank partner niya si Benjo, Belerick lang na may vengeance na battle spell. Para kapag sinaktan ang beshie, mas malakas ang kanyang ulti. Buma-bounce-back sa kalaban ang tinitira, at siguradong KS na ni Aulus. Este, ni Rey pala.

Mas damang-dama ko ang sensibilidad ng akda, kasi napuntahan ko na ang ibang mga nabanggit na lugar sa nobela: ang Brgy. Sta. Rosario na isang ilog lang ang pagitan sa Comembo, ang Overlooking view sa Antipolo, ang Mandaluyong Maysilo kung saan naroon ang mga nag-e-ML na pulis, ang Simbahan ng Pateros, at ang mapulang ilaw at mapanghing chongki-an ng Poblacion. Speaking of chongki, naisip ko na ring minsan na umupo sa gedli at sumindi ng doobie, tas kahit ang sangsang ng boga mo eh parang nagkakaroon ka ng powers tapos mapapakanta na lang ng mahiwaga, mahiwa-marijuana shotgun shotgun ganja ganja buddha buddha. Parang siguro ang sarap din maging hipster pusher na hakdog na ganda lang ang puhunan sa gimikan, tapos may sanlibo ka nang maisusuksok sa bra.

Pero feeling ko, hindi layunin ng mga akdang tulad ni Bhosz Vivo mamen ang mainggit ka sa pagiging out-of-touch na mga nilalang na katulad ni Katrina. Mas gusto niyang hamigin ang iyong konsensya sa pagpapakilala niya sa mga katulad ni Manang Belen na walang alam kundi pumalahaw ng luha at magsumbong sa kalangitan para sa hustisya ng pinaslang niyang anak, at ginawang sisidlan ng bato. Putangamang eksena yun, hindi ko na mawala sa puso ang guilt-trip malala. Rekta sa konsensya. Sa tuwing nababasa ko ang mga ganung eksena, naalala ko yung pabalang kong sagot kay Manong FSJ kung bakit ko binoto si Duterte. Sumalangit nawa ang perennial wisher ng Nobel Lauriat kineso, pero mas nahihindik ako nang marinig muli ang distant echo ng aking edgy hipster voice:

"Binoto ko sya kasi gusto kong makita ang Pinas ay nasusunog. Para Lalo tayong magalit, at sana, dito tayo magsimulang kumilos. Dala ang galit, mas kilala na natin ang malaking kalaban."


Huli ko nang ma-realize na hindi lang isang buktot na Doturtle ang big boss. Dadaan pala tayo sa isang masalimuot na makinarya ng facebook playbook at troll farms at mind-conditioning ng kapwa pinoy, at makakasalubong natin sa social media ang mga kalamnan at diwa ni Monching na DDS forever hanggang mategi.

Inangyan, andaming bonak sa lipunan. Hindi lang sila sa ML makikita talaga. At ayoko sanang maging ganun ka. Sana, kapag makaipon-ipon ka ng kaunting pera, bilhin mo itong nobela. Umupo ka sa gedli, pagnilayan ang ika-15 kabanata:

"Kinokoronahan ang demonyo sa panahong ito at alam nilang nasa panig nila ang marami. Kapangyarihan, impluwensya, simpatya. Lunod na lunod sa saya, lasing na lasing sa ligaya. Dugo't luha ang langis ng giyerang minamakina."


Tangan ang galit, magsimulang magbitbit ng martilyo. Bilang kolektibo, mag-rank-up tayo.

View all my reviews

5/20/2024

Dahling Nick and Plays

Tropical Baroque: Four Manileño TheatricalsTropical Baroque: Four Manileño Theatricals by Nick Joaquín
My rating: 5 of 5 stars

I bought this book because I cannot locate my old book that contained the Short story titled Summer Solstice. In preparation for the PRPB Book Talakayan with Nick Joaquin, this collection of plays titled Tropical Baroque has the play named "Tatarin", and I was tasked to read an excerpt of Lupe and Guido's moments.

What struck me in these four plays are the portayal of women and how they were genuine and empowered in their time, and how significant the transformation of the realities around them. Set in old Manila, “A Portrait of the Artist as Filipino” revolves around two spinster sisters, Paula and Candida Marasigan, as they struggle but remain determined to fight for all the things precious to their family. In “Tatarin,” Doña Lupe's participation in the ritual gives her the opportunity to dominate her man, Don Paeng. In “Fathers and Sons,” Bessie fights back against the shadows cast by her past as an abandoned child sold and bought into the life of a prostitute. And finally, “The Beatas” illustrates the leadership of modern views and actions of Antonia Ezguerra and Sebastiana de Santa Maria, and how the hermanas fought the challenge of shutting down the first beaterio in Manila.

Plot-wise, I liked the Fathers and Sons the most. One quote has struck me in awe:
"Character is not something we inherit, it is something we create."
This play uncovers a traumatic history and how it has shaped the characters and how they were unconsciously caught in the loop that seemingly cannot get out of. When Bessie came into the frame, she became the sign of change and a sign of freedom; a figure that sometimes misinterpreted as a wrong item, but truly the right thing all along.

Of couse the most sensual play was Tatarin, because of the idea of its rituals and the opportunity to dominate men, nevermind that last scene when Paeng kneels and crawls across the yard!!! Haha, made me want to want the movie adaptation again.

Other two plays are runner-ups for me for it has a clear landscape of its setting from the old days. Maybe I was too contemporary to appreciate its storylines but these do not discount the overall collective tone of feminism in this collection.

Dahling Nick, thank you again for letting my spirits soar with all these plays. You do weave the stories and its narratives so clearly and so beautifully.

View all my reviews