7/11/2023

Hormonal Woe

 Dearest K—,

I cried last night. 

I saw a video of a couple sitting on the beach with their director's chair and I messaged you actually requesting that we can do the same: just go to the beach and just sit using my director's chair that I bought for the guests. 

I haven't sit on the chair that I bought leisurely. I tried that once to test its durability. After that I just kept them under the cabinet and just pull them out when needed.

And I realized, yung mga ganitong hiling o simpleng ligaya na tatanga sa dagat kapag gusto eh hindi ko na magawa. Hindi ko rin magawa kasama ka. Hindi ko magawa nang mag-isa. Ano ba ang humahadlang? Bakit parang pati yung kagustuhang pagpungko at pagtunganga sa dagat eh kailangan pang ihiling? Why do I have to beg for such a simple pleasure?

And I realized hindi pala tayo katulad ng dati. Ang propesyon natin ay hindi tulad ng sa iba, at ang mga desisyon natin ang lumamon sa sistemang mahirap makahanap ng oras para sa simpleng ligaya. At dahil ayaw na ayaw ko ang nagmamakaawa, nainis ako sa sarili at naluha, at tuluyan na lang naiyak. 

Kailan ko kaya mararanasan ang simpleng hiling nang kasama ka? Mararanasan ko pa kaya? Siguro kay Lord ko na lang iaasa lahat ng bigat ng nararamdaman ko, kasama ng pagiging hormonal kasi magkakaron na ako.

Umiikot-ikot lang itong nararamdaman sa iyo. Galit, lungkot, saya, lungkot. 


Pero sa panahong lalong wala ka: lungkot, galit, lungkot, lungkot.