Ipinapakita ang mga post na may etiketa na #IfItNeverArrived. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na #IfItNeverArrived. Ipakita ang lahat ng mga post

9/15/2024

Dream Journal on a Slow Sunday

Nanaginip ako.

Kasama ko yung kalandian ko, pumunta kami sa PUP Sta Mesa para manghingi ng tulong sa President Prudente sa hindi mai-explain na dahilan. Hindi ko alam kung may kaso ba ako, o feel ko lang mag-walk down the memory lane. 

Dala niya ang convertible, dumaan kami ng Pandacan Oil plant at OsmeƱa Highway at nagtaka siya bakit dun ako nakatapos ng college. Nang sinabi kong idaan sa pusod ng Sta. Mesa, mas nakita nya ang bangis ng kaligiran ng Altura at Teresa, nang biglang may tren na dumaan at nabangga ang Vios. Nang kami na ang tatawid sa riles via pinalawak na Teresa street, nakita ko mula sa kanang side mirror ang kotseng nabundol. Pipi, parang silver car na nilapirot at nangitim.Pagdating namin sa gilid, sinabihan kami ng isang volunteer na magtestify sa barangay hall dahil isa kami sa saksi. Kinabig ko si ate na pupunta muna ako sa Presidente at siya'y tumango sabay sagot ng, "Sakto, 69. Yan din ang bayad mo sa parking dito sa gedli, ako na mismo magbabantay."

Takang-taka ang kadate ko nang magulat siyang kilala ako. Retouch ng red Mac matte finish, konting reapply ng Joe Malone, pumasok ako sa gate nang pinatigil ang kasama ko. "Hindi ka namin kilala. Alumni ka ba rito?" Nagalit yung kasama ko kung bakit hindi in-allow pumasok at hinanapan pa ng written explanation dahil wala naman siyang ID, at nagsimulang umapila dahil pumasok lang ako nang walang pasubali habang titig na titig sa aking bibig. "Babalik po ako, samahan ko lang po sya nang mabilis." 

Dumaan kaming catwalk. Nagtaka siya at ang konti ng mga tao. "Wala bang pasok?" Ang naisagot ko na lang, "kakaulan lang siguro at katatapos lang ng baha. Or maaaring online class sila today." Pagdating sa South Wing, nagkaroon na ng sariling pwesto sa Sampaguita Canteen ang tagagawa ng Chicken Ala-King rice meal at FEWA, at may videoke na rin sa  loob. Nasabi ng date ko na dun siya maghihintay at hahanap ng kausap, at maghahanap sya ng sasagot sa tanong na bakit hinahanapan ng written explanation ang hindi naman alumni. "Hindi ba dapat ang edukasyon ay bukas sa lahat!? At bakit parang kilalang-kilala ka rito? Sabi mo sa BGC ka manager. Grumadweyt ka lang at nagka-CPA eh ang asta ng paligid ay parang may-ari ka ng school eh."

Iniwanan ko siya sa canteen, tinanong ang isang lalakeng patapos nang kumain kung saan na ba ang office ng President Prudente. Sumagot ng "mam baka andun pa rin sa Cashier Office, parang nagmamadaling galit." Tinanggal ko ang mic sa videoke at sinabi kong, "siguro kapag tinupi ang cord, gaganda ang tono at echo" saka ito ibinigay sa kanya.

Naglakad akong muli at naamoy kong muli ang pinaghalong sangsang ng Ilog Pasig at nasusunog na petrolyo mula sa Pandacan. Bumati sa mga guard, sa mga ateng nagwawalis sa kabilang dulo ng West wing, bago ako napadpad sa Cashier's Office. Pagkakatok ko, dahan-dahan akong pumasok, at namataan ko ang presidenteng suminghal, mukhang katatapos lang ngumawngaw. Lumingon at nakita ko, sabay sabing "Hello."

Tapos nagising na ako. 

5/10/2024

Not that MD, the Other MD

Hi M—, 

With the deadline of multiple submissions looming, it is hard to Zen and just write in Filipino. Or maybe in my case, a code-switch between Tagalog and English. I've listed down multiple writing prompts and plot devices relating to a contest or a call for submission, but I cannot seem to start things. 

Am I, yet again, on another episode of writing slump? 
Or, was this because I was enjoying (or suffering) this hot summer?

For context, while everyone was so busy with visitors coming in-and-out of our corporate site last week, I was so excited to get to know them and talk to them. Coupled with the PRPB discussion of Nick Joaquin and the essence of reading his works, my extrovert energy was fully recharged. While the workloads were overwhelming, talking to people, hosting and merely networking is another form of therapy for me. I got to have my "Ako nga beh" moments with them, sharing about the doom and gloom of massive layoffs while asking for lifehacks on how to be a millennial leader, et cetera. 

Over the last week, a Managing Director visited us to "check on the shop". The usual reporting of our developments from last year, some metrics here and there, and corporate decisions that will prep us for greater heights. But I am writing now not because of those pains; I am writing about his stay. And I was so ecstatic when he gave me snippets of wisdom on writing fiction and self-publishing, and a pragmatic "You know that you won't earn much from writing, right?" and I rebutted him, "I don't want to be filthy rich, I want to be remembered." That sheer assertive tone I gave to him was a kindred-spirit-exchange of sorts. Maybe he wasn't like those leaders who embrace capitalism as thick as one's own blood, maybe he has that same working-class awareness. 

When we have yet encountered each other on the "spARC conversations", he opened that he was indeed a scholar, an immigrant to the foreign land, and lucky to have a wife who writes and leads. He sends money back to his homeland, supports a passion project pro-bono, and disconnect by listening to podcast as a white noise in the commute. That reinforces the idea that "hey, maybe you are indeed like me". I am a moderator in a book club (pro-bono project), a graduate in a State University (aka "iskolar ng bayan"), and previously lived in Mumbai and London because of work (maybe this can count as a short-term immigrant). I don't have a wife, but I write and I lead (in my own little bubble).

After those discussions I came to him and gave my thanks:
"Thank you for having the same sensibilities of an immigrant and of a millennial."
He answered back, "No worries, as long as our minds are in sync."

I know deep down, I have multiple competitors to add him in a roster of mentors, someone to look up to in terms of digging the corporate gig. I gave them that. They might needed that drive to push through the daily. I am as happy as-is: looking afar from a safe distance, remembering that somehow, we have had that reciprocity of a little conversation about life. 

And if you get to read this little letter someday, I hope this anecdote can get you even on your heavy days. 

See you around, 
E—

PS: By the way, let me brag: he gave me the wife's email address!!! So my assignment now is to read her work — both fiction and non-fiction — and be able to formulate questions. Chat to you soon!

3/02/2024

Epistolary Exposition: Introduction

Dear M—,

Kumusta? 

Huling 1-on-1 moment natin ay yung kababalik ko lang sa Mumbai noong 2016, tumaba dahil sa stress at kaakibat na katotohanang lahat ng pambayad ko sa ibang bayan ay via credit card, kasi lahat ng 500 at 1,000 rupees na hawak ko ay naideklarang worthless ni Modi. Wala akong kapasidad i-withdraw ang sumunod nitong paper bill: ang 2,000 rupees. Pagod na pagod rin ako sa pagtuturo ng simpleng proseso pero mahirap na konsepto ng NAV Operations, at kahit kanino yatang hindi accountant ng bangko ay mahihirapan akong ipaliwanag ito. Ganun yata talaga, may mga bagay na mahirap ring ipaliwanag sa kakaunting saglit at bilang ng mga salita. Ganun yata talaga kapag tagapagtuos. Pitong taon na, M. Nasabi ko rin sa iyo na gusto ko nang tumanda sa pagsusulat at talikdan ang nabuong pagkatao sa natapos nating kurso. Nasabi ko sa iyo noon, na kapag manager na ako, saka ko ito ulit iisipin. 

Ito na yun. 

After a year of being a manager repackaged as an Associate, narito na naman ako at susubok na patayin ang unang pagkatao: ang pagiging CPA. Sakto, malapit na mag-expire ang lisensya at PRC ID ko, at hindi naman nag-practice ng audit sa loob ng sampung taon, at saktong nasa estado ako ng trabahong lahat ay kaya kong hamigin at panindigan. Yun lang, hindi na ako bingi at bulag kapag ako ay nababalya at inaasahan bilang dalawang tao in terms of work load. Baka ito na nga ang taon para gisingin muli ang kislap ng panulat. Ang ikalawang pagkatao na nagsusulat ng karanasan, at maisapubliko ang aking boses na may halong laya at kalkulado. Hiling ko ang mga sumusunod:

1. Maaari ba kitang gawing recipient nitong aking mga liham? Balak kong buuin at bunuin ang sampung liham sa loob ng lampas sampung taon ng pagba-boxing ng aking damdamin, ng aking hinaing, at mga silip ng ating pakikipag-usap sa sariling punto-de-bista? Tandaan, ang pangalan mo ma'y totoo, pero ang copyright ay sa akin nang buong-buo. 

2. Hahalungkatin ang aking alaala mula sa ating nawawalang notebook, at gumawa ng mga kwentong napapanahon, kahit nilipas na ito ng mga taon. All-encompassing but retrospective application. Pero ano pa bang alam natin sa accounting practices kung pareho na tayong hindi praktisado? 

3. Kung ang pagkatao mo ay biglang nanalamin sa ibang tao (sa anumang paraan ng pagkakabuo), nawa'y ibigay mo ang kalayaan sa aking kamay na maisulat ka bilang musa at bilang kontrabida. Kung mamarapatin, ibabaldado ko ang napakakisig mong alisto at tatapyas ng gilas sa iyong pagkatao. In short, your demeanor will be cut short. Who will be the main character? This is what I have to explore. This is why I ask for your concurrence in my long letter. 

Ito na siguro ang introduction ng aking epistolary exposition. So, ano na? 


written in Sarah's after RT's Book Talakayan, 02 March 2024

2/19/2024

Dear M–

Dear M–, 


Passing thought talaga ang sulatan ka sa mga pagkakataong gusto kong ibaybay ang mga naiisip sa daan, o sa mga pagkakataong nakakapagnilay ako sa paglalakbay. Ganitong-ganito rin ang aking ginagawa sa ating shared notebook, na pumayag ka rin naman kasi: 1. Alam mong crush kita at masaya nga naman ang undivided attention, at 2. Nahihiya kang talikuran ang potential na bunga ng pagkakaibigan sa panulat. Scratch that, alam kong hindi mo lang alam paano ako tatanggihan kasi bibihirang pagkakataon na ang bigyan ka ng liham, lalo na ngayong tadtad na tayo ng memes sa social media. 

Btw, belated happy birthday ulit. At oo, nawawala pa rin ang ating artifact na mga notebook. 

Nabanggit ko na nga pala sa iyo na hindi na sa Makating naging Taguig (na naniniwalang magiging Makati muli) ang aking permanent address. Nakaraang 2022, dito na ako bumalik sa Pasig. Andito ako sa Bagong Ilog, yung barangay na katabi ang Pineda. Katabi ko ang ospital kaya may kapag magkaroon man ng hika sa kaka-fire exit stairs (dahil sa lindol o sunog) eh may mabilis na Emergency Care access. Unless, may dalawang libo katao ang makiki-access. 

Anyways, masasabi nilang maswerte itong concrete jungle ko. Mahal, pero isang grab lang papunta sa trabaho ko sa BGC. Isang session ng lakad papuntang Pineda wet market. Isang jeep papuntang SM Megamall. Ang mahirap lang nito, kapag pang-umaga ang work, nakamamatay ang commute. Ito talaga ang labyrinth ng bagtasan. Lahat ng manggagaling sa Tiendesitas o Antipolo papuntang BGC, sa Bagong Ilog dadaan. Kapag galing ka naman ng Pinagbuhatan at pupuntang Ortigas, sa Bagong Ilog na rin dadaan. Kapag namulat ako ng 7 AM sa tingkad ng sunrise showcase sa balcony ng maliit kong bahay, makikita ko ang C5 bridge na nagmistulang ilog ng mga mababagal na sasakyan at walang tumal na ingay ng busina. Yan na rin ang Vitamin D dosage ko sa araw-araw: ang pagtanaw sa daanan at trapik, kasabay ng pagdidilig at pakikipagdaldalan ko sa basil, thymes at mga Snake plant na biyaya ni Mama. 

Tapos babalik-tulog ulit. Aba, ano pa bang magagawa kung tuwing 4PM naman ang simula ng work? Sayang skincare para lang magpuyat. I always need a nap. 

Alam mo bang naging childhood address ko ang Pineda? Wala na akong maalalang mga ginawa ko noong kabataan ko, pero ang kwento ni Mama about Pineda ay yung nagkasya ako sa ilalim ng traysikel noong 3 years old. Nang ako raw ay naglalaro sa labas, at sumusunod kay Kuya na may mga kalaro nang hapon na yun, biglang may dumaan na traysikel, at imbis na ako'y mabangga, eh yumuko ako at nagkasya sa ilalim. Na ikinagulat ng traysikel drayber. Akala siguro's nakapatay ng bata. Pero paglampas nya, ngumiti pa ako sa kanya. Aba, ang amazing ay. Hindi ko naman maalala yun. Kahit yung mga kwentong palo sa pwet at sinturon blues ni Mama. Naalala raw yun ni kuya, pero hindi malinaw ang memorya niya. Hindi na rin nya maalala ang Pineda Nursery School kung saan siya nag-Kinder. Ang naaalala nya ay ang pagtawid namin sa Ilog Pasig mula Pineda papuntang Zero Block kung saan sasakay ng Jeep papuntang Pembo, patungo sa aming magiging family home noong dekada 90. 

Nahihiya akong magtanong-tanong kung meron pa bang bangka mula sa Pasig papuntang West Rembo (kung nasaan ang Zero Block). Nang minsang dumaan ang sinasakyan kong grab sa mahabang Mrr Street at Sta. Teresa de Avila Street, wala na akong makitang terminal ng bangka, o mga lumalangoy na bata sa ilog. Wala na ring namamangka. Dahil ba alas-tres ng hapon ako napadaan run? Katirikan ng araw, perfect time ng siesta, at wala masyadong commuter na midshift sa loob ng barangay Pineda. Baka kada umaga lang ang biyahe? Ito yung mga naiisip ko habang inaatake ng nostalgia sa nakaraang bungi-bungi na sa personal kong alaala. Siguro, napatay na nang tuluyan ang industriya dahil may Kalayaan bridge na patawid ng Uptown. Substitute tulay ng mga taong yamot na sa malawak na C5 bridge. 

In fairness naman sa C5, ibang administrasyon kasi ang gumawa nito, panahong may pake pa sa mga naglalakad at walang pambili ng kotseng ipapang-trapik rin lang. Sa Kalayaan bridge, nakakairita ang kitid ng daan ng mga tao. Bawat hike dun ay may kalakip dapat na dasal na sana hindi madulas ang mga sasakyan at biglang lumiko sa nilalakaran mo. Ganyan ang urban planning ng isang engineer na walang pake. Siguro tingin sa tao (ng mga gumawa ng Kalayaan bridge) ay mga squammy ng Pasig at hindi deserve na magkaroon ng trabaho sa "relatively safest business district of the country". 

Isa na ako sa mga naglalakad papuntang opisina, lalo na kapag sobrang namamahalan sa grab. Wala pang 30 mins na upo sa tsikot na may aircon pero lalagas na ng halos 200. OA na nga ang pamasahe, kaya nagkukunyari din akong tindera o construction worker na tatawid sa Pasig Boulevard mula sa condo, at ilalakad ang C5 bridge. Minsan, partnered ng Gym playlist sa spotify, pero madalas, mga pipip ng sasakyan. Nakakatuwa ring may nakakasabay ako sa paglalakad, at nari-realize kong hangga't may construction worker ay may thriving na underground economy. Makakamura ng pares at mami sa mismong c5 bridge, at tuwing alas-kwatro eh nagbubukasan na ang parang pitstop ng mga truck driver at ng mga rider. Nakakawili ang kulay ng mga suot ng mga nagmo-motor: Madalas blue at green, pero may orange at may dilaw ring minsanan. May red na rin, tapos kamakailan eh may biglang violet na. Hindi naman sikat yung kulay ube sa Pasig-BGC area, kaya ang cool lang. Parang trying hard hipster sa pop culture. Pero sa huli, jejemon rin pala hehe.

Ang nakakatuwa sa paglalakad sessions ko ay naitatawid ko ang 10,000 steps na magiging exercise quota ko for today. Mahilig ako magbasa, hindi ako mahilig mag-gym. Baka ibang Betos ang nasa isip mo na mahilig sa gym. Nasa Japan na yun sya, kahit paano raw ay okay naman siya dun. Alam rin niya at ng mga kapatid ko na naglalakad ako sa C5 bridge kapag papasok ng work. Wala naman silang alma, puru paalala lang ng "Ingat!" at minsanang "Dumaan ka kasi sa bangka dun sa Pineda!" Kaya lang, nang madulas ang bunso at naikwento sa mga magulang ko ang aking daily adventure, nasagot na lang nila na "Either mamatay ka sa pasahe ng grab, o mapatay ka't mabangga sa daan. Either suffer the fare or go to a country with an effective public transport." Ang burgis ng take, di ba? Dalawang elemento agad ng kaburgisan: ang maglagas ng sweldo sa grab car, o tumakas sa Labyrinth ng Bagtasan (at mag-abroad). Siguro, nakita nila ito kay Kuya na nasa Germany na, at kay Kiteh na nasa Japan na. Mga bansang may matinong bus at tren, at mahal ang bumili ng kotse kasi OA ang presyuhan para lang sa parking. Axis powers unite na rin siguro, kasi parehong pro-pedestrian ang mandato ng gobyerno nila. They move the public efficiently. Unlike sa Pinas, Presidente lang ang moving effectively. Helicopter-helicopter para lang sa Coldplay concert na nagtutulak ng environmental kineso. 

Sobrang balintunay talaga minsan ng buhay. Gusto ko na ring takasan, punta ng Singapura siguro. Makaranas man lang ng mabilisang byahe at mag-TWG tea kasi gusto ko lang rin mag-inarte. Tamang burgisan blues lang naman, bago bumalik sa mala-purgatoryong paglalakad sa Labyrinth ng Bagtasan sa araw-araw (o hapon-hapon, kasi midshift ako).


So ikaw, kumusta?

7/11/2023

Hormonal Woe

 Dearest K—,

I cried last night. 

I saw a video of a couple sitting on the beach with their director's chair and I messaged you actually requesting that we can do the same: just go to the beach and just sit using my director's chair that I bought for the guests. 

I haven't sit on the chair that I bought leisurely. I tried that once to test its durability. After that I just kept them under the cabinet and just pull them out when needed.

And I realized, yung mga ganitong hiling o simpleng ligaya na tatanga sa dagat kapag gusto eh hindi ko na magawa. Hindi ko rin magawa kasama ka. Hindi ko magawa nang mag-isa. Ano ba ang humahadlang? Bakit parang pati yung kagustuhang pagpungko at pagtunganga sa dagat eh kailangan pang ihiling? Why do I have to beg for such a simple pleasure?

And I realized hindi pala tayo katulad ng dati. Ang propesyon natin ay hindi tulad ng sa iba, at ang mga desisyon natin ang lumamon sa sistemang mahirap makahanap ng oras para sa simpleng ligaya. At dahil ayaw na ayaw ko ang nagmamakaawa, nainis ako sa sarili at naluha, at tuluyan na lang naiyak. 

Kailan ko kaya mararanasan ang simpleng hiling nang kasama ka? Mararanasan ko pa kaya? Siguro kay Lord ko na lang iaasa lahat ng bigat ng nararamdaman ko, kasama ng pagiging hormonal kasi magkakaron na ako.

Umiikot-ikot lang itong nararamdaman sa iyo. Galit, lungkot, saya, lungkot. 


Pero sa panahong lalong wala ka: lungkot, galit, lungkot, lungkot.

5/29/2023

Dear M

 Dear M—,


Naalala mo pa noong college, patay na patay ako sa iyo? Nag-confess ako sa iyo Friday night, tapos nag-break na tayo Monday night, sa may catwalk habang naulan nang malakas at maghihintay ito tumila, kasama ng mga tsismosa nating kabarkada? Sa sobrang lungkot ko, naisip ko bumili ng notebook, at magpalitan tayo ng mga liham sa isa't-isa, ipapahiram ito bawat gabi, at itinatala ang mga ginawa nating pag-aaral sa maghapon? Hindi ko naisip that it would be my writing style; ang naisip ko noon, gusto kitang makilala, kasama ng pagkilala ko sa mga riles ng PNR bilang main transport natin kapag sabay tayong uuwi after class. Kapag may pagkakataon akong sumabay sa iyo pauwi south-bound, isusugal ko ang oras ng commute at ng mahabang pasensya ng paghihintay sa second to the last trip to San Pedro, kung saan standing sa tren at kakarag-karag, mala-Home Along da Riles circa 2004.

Naalala lang kita nang magawi kami rito sa Albay at nakita ang mga riles na nababalot na ng carabao grass, o natatabunan ng aspalto sa National Road para sa sasakyan, at naisip kong sobrang bonak talaga ng mass transit sa Pinas. Hindi mo mae-enjoy ang magkakawatak at magkakalayong rancho at tourist spot ng Bicol region kung wala kang kotse. Malayong-malayo sa Japan kung saan bawat tourist spot eh may train station sa tabi.

Naisip rin kita nang makilala ko si J—. Galing rin sya sa school natin, pero team-dorm sya, hindi team-riles. Puru siya aral, at never nakasakay ng PNR, kaya ibang-iba ang kwentong promdi niya sa mabangis na lungsod. Nasa bansa na rin sya ng may effective bus transit at hyperinflated car prices kasi maliit ang lupain ng mala-NY na ASEAN nation. 'Kako sa kanya, ninais ko rin sumulat ng kwentong paglalakbay at pagkakaugnay — sa pamamagitan ng paggamit ng tren. Naalala ko na sinubukan ko yun noong college. Sinubukan ko sa iyo noon.

Parang tayong tren: mga riles ang nagdudugtong sa atin mula sa malalayo, riles din ang mahihiwalay sa atin kapag nasa gitna ito ng tawiran. It bridges the far distances to a close, and yet, we break away if we're too close. Gusto ko ring isulat ang kabalintunaan ng riles, katulad ng kalakhang maynila na napapalibutan ng balintunay: sa bawat barangay may solo-living sa mataas na condo na kapitbahay na class C at D na bahay na bato at lulan ang isang angkan. Parang tayo, na kahit anong pilit kong lumapit sa iyo noon, kapag hindi uukol, hindi bubukol. Ngayon tuloy, hirap kang igapang ang ipon mo sa mamahaling bilihin ng diaper at isasabay mo pa sa iyong hinuhulugang motor.

But that's another matter of irony. Hindi babagay sa balak kong isulat.

Na-enjoy ko ang Bicol, M. Kaya lang nalungkot ako kasi sa pag-enjoy ko, kailangan pa ng kaibigan kong humanap ng rent-a-car at puntahan ang mga lugar na may magandang view ng Mayon, at pwedeng picture-an pang-instagram. Kung hindi mo nalalaman, ang lakas ko maka-jeje sa social media. Gusto ko parati akong may picture sa travel ko, lalo na ngayong hindi ako masyado nakakapag-travel na. Kaya siguro hirap din sa pagsusulat, dahil hindi na masyado nakakapaglakbay. Adulting is so hard, I am faced with the challenges of purchasing furnitures and fixtures, that I sometimes losing contact with friends, and even losing sleep. Puru labas ang pera, pero para sa investment naman daw ang sabi nila. Parang sugal, para sa maalwal na pamumuhay.

Sana ganun din ang ating gobyerno, marunong sumugal para sa maalwal na pamumuhay ng mga tao. Kahit man lang sa mga bus na on-time, o sa mga LRT at MRT na dumarating na every two minutes sana. Pinakamaganda, ibalik nila ang long-distance rail transit mula Tayuman hanggang Bicol. Hindi yung puru San Pedro. Iabot na nila hanggang dito sa Albay. Better yet, get it done until Sorsogon. Para wala na akong dahilan bakit hindi ako makatawid ng Leyte. Ang probinsya ng tatay kong aning-aning na at hindi man lang death-ready ngayong matindi na ang sakit niya. Hay, nalulungkot ako na ang Pilipinas ay katulad ng tatay ko: lakas mangutang ng pera, pero hindi man lang maglaan sa kinabukasan. Hipak pa ng bisyo.

Sa pamamagitan ng kotseng hiram ay nakarating ako sa Green Hills ng Quitinday. Hindi ito shopping center oi, literal na berdeng burol na may kubo at matatanaw ang perfect cone kapag naiakyat mo ang lampas 100 steps assault. Eka nila, isang Congressman na raw ang bumili nito. Revoked ang ancestral domain. Wala man lang malasakit. Paano na kapag nagkaroon ng 100% ownership sa saligang batas? Hindi ako against sa ganung economic policy, pero kung hindi epektibo ang Tax Code nating circa 1977, paano natin masisingil ang mga panginoong maylupa, di ba? Hindi nga rin effective ang AMLA natin kasi andami paring naglalaba ng pera sa mga casino eh. Laba-pera habang nanonood ng Broadway. Ganun ang burgis way. Sometimes, free check-in for a patron. Oha, maging permanent resident ka lang ng sugalan para tuluy-tuloy ang money integrating. Hindi ko lang alam kung alam mo pa ang ibig kong sabihin; hindi ka na accountant, di ba? Nasa call center ka ng payables-receivables, kung saan mas nakaka-relate ka kung paano magsesettle ng mga credit card bills ng misis mo, kaka-hoard ng mga baby supplies sa Lazada kada buwan.

Sa dami ng gusto kong isulat kapag ako ay naglalakbay, hindi ko na maipili ano ang uunahin ko. Katulad ng paggamit ko sa notebook natin, parang dumpster lang ng mga iniisip ko ang notes app dito sa phone. Mas maganda ang tech ngayon, all of these are stored in a cloud. Hindi katulad ng notebook natin na nawawala na nang makita ni mama ito at itinambak sa kung saan, tapos ayun, Ondoy happened.

I just wanted to write about travel and connections and yet here we are: me trying again to connect to you via this epistolary exposition and you not knowing where I was and what I am doing. Kaya heto ako, nakahigang nagta-type habang tanaw ang mahiyaing Mayon.

So. Kumusta? 

4/07/2023

Dream Journal on a Good Friday

Napanaginipan ko sya. In another world, Neurologist na sya and legally single. And we were crying because after all those years, love pa namin bawat isa. Matindi yung sugat na iniwan nya ako, and for him naman, yung scar from the fear na kayang-kaya ko sya palitan. And we were riding a yacht where he can mix drinks and serve the guests, and suddenly, may isang onbarded sa barko na may sugat / sakit pero hindi ko alam anong sakit o anong dahilan. Nagpatawag ng mga doctor sa barko, kung hindi raw rumesponde ay babarilin lahat ng pasahero. Tatlo silang doktor na nagprisinta. Pero siya yung pinakamatagal sa loob and pinakamay exposure sa pasyente. Hindi ako mapakali, sumilip ako sa pinto kung nasaan ang pasyente, pero may baril na hawak yung guard sa labas.

Nang matapos yung operation, nagkakatremors sya, tapos niyakap ko na lang, hindi na niya napigilan yung pag-iyak. Sa takot. Tapos naiyak na lang ako, dahil sa takot at awa. Tapos nakatulog kaming nakaupo pero yakap bawat isa, the aftermath of that incident with the patient. Kinabukasan, parang bigla syang nawala sa sarili ulit. May malalim na iniisip. Hindi ko makausap, ganun. So pumunta ako sa yacht at naghanap ng tubig. Uminom muna hahahaha hindi ko alam bakit ang linaw ng eksena ng pag-inom ng tubig. At gumising ako para uminom ng tubig.

Pagbalik-tulog ko, parang dumugtong yung panaginip na nameet ko yung 2 doktor na pinili na mag-opera sa patient. Tinanong ko kung bakit pinakamatagal si ex sa loob, sumagot yung isa, "kelangan nila ng may experience sa trauma". Dun lang ako nagkaroon ng lightbulb moment na trauma doctor sya and hindi neurology ang tinuloy nya, kundi orthology (para sa buto). And dun ko na-realize na hindi na kami ang para sa bawat isa kasi may kailangan nya ng therapy na magmamanage ng trauma niya. 


So nagising na ako tapos nai-type ko ito.

3/26/2023

Need.

 19 Feb 20xx

19:20
Hi.
Hi.
Baler.
Now?
Yes. Now. Need.
You know where I am?
Not yet.
Room 2019.
Drive or grab?
I don't care.
Basement 2.
Slot 19. It's empty.
Ok.
I work full time tonight.
19 o'clock.
Til?
Til 2.
Then you do you.
Ok.
Are you sure?
Not for me to say.
Are you sure?
No. But—
I mean, I can. Can't I?
Always.
So...
See you.
Tonight.
Yes, tonight.
We'll see each other.
But please—
No more gaps.
We love, and
Give in tonight.
Eye to eye.
No thoughts.
No words.
Just feelings.
And this midnight meeting. 

2/14/2023

Offer Letter to JAL, CPA

 Dear J—,


Thank you for accommodating me.

When we were starting talking online, I used to think of our younger years, on how we might have crossed our paths albeit not mindfully, or maybe you might have seen each other in one of the long queues of cashier, or maybe I saw your name in the Dean's Office or you maybe saw my name in the JPIA office. Oh how young and driven we were! That world is so small and so simple, we just manage our grades and, in your case, your scholarship allowances.

Sixteen years down the lane, we see ourselves still managing — our careers, our families, our personal crises, and our mental health. If you add that with our daily engagement with the social media and online traffic, we forget to look at spaces five inches beyond the handhold phones.

Now that we have traversed the threshold of authenticating our connection from our handheld to our senses, I see you as one of my go-tos whenever I might need something in SG. I'm sorry for being overbearing at times, but I offer something in return — something practical and itemized to navigate the asinine corporate world. We may be these #chikitingpatrolSG ants in a capitalist society, but if we learn how to go around the system with our sanities intact, I think we can keep this connection (and perhaps, a closer friendship) as we grow more mature and more thriving.

Never gonna lie, I did feel sad that the plan A (we do the dating gig) did not work, but this plan B is glaringly more feasible than before. Perhaps you see this as transactional; pareho na tayong pagod maging accountant. Pero dito at dito talaga tayo bumabalik, sa pagtutuos. I intend to keep our connection / friendship / transaction in any way that I can. But if I really see someone, and the deepest romantic wishes of my heart has been found, it is in your hands to either continue or terminate this contract.

If you wish to stop this connection, pray tell. I am scarred with ghosting. Hindi ko na alam paano ima-manage ang pagkawala ng mga nasa paligid ko, mapa-online o offline. If you wish to detach and set boundaries, let me know. I do respect you not only as a friend, but also as a peer, and kapwa manggagawang-uri.

Muli't muli, maraming salamat sa ganitong pagkakataon.

The banker gamer,
Ella

6/08/2020

A Year Later

"Why not we meet each other? Just say hi and be awkward together?"


That was my proposal when we first saw each other. We used to be part of a group chat that talked about MBTI personality types. He's a shy INFJ (MD) and I am a bubbly ENTP (CPA). 

I was attending a birthday party when he said he's going to watch Aladdin to de-stress (he plans to go alone after a toxic incident). When I said I want to watch a Disney film too, albeit I'll be coming from Tagaytay, he was a bit hesitant. But when I counter-proposed that I'll be arriving for dinner at 7, he suddenly replied "OMW".

I came on time; he was there earlier than expected. He had that vantage point when I was lost in Food Court, with my imperfect eyes and confused mind, braving the cacophony of the crowd. He was behind me by that time, little did I know that he was actually watching me from afar. 

We said our Hi's, and then we took a Ramen Nagi for dinner. We both aren't fond of Chinese, something that made us click. We talked of work, but not the usual rĆ©sumĆ©-like; He chronicled his unusual gig in Project Management, while I contributed an anecdote about refining a Mop's patent and its financial projections.  Ramen was good, but we ate them quick. Both of us are actually afraid to be late for the premier. Both of us loved Disney and music; theatres and grandiose of sounds with its production. I remember the Bollywood vibe of Aladdin, and I still remember that loud thump at the beginning of the movement that jolted us both. Pareho kaming magugulatin. 

But before entering the movie house, he steered me away from the queue and asked for something else, "My moral compass wants us to drink something". He was craving for a milk tea. He saw a Gong Cha stand near the Director's Club and he insisted to treat me on a sweet drink. We ordered the best sellers and mentioned his name. The tea came, but not on his name. It was "for Grace!"

No one was on that queue. There was no queue at all. We were both weirded and both laughed wondering where did the name came from, when I clearly said "Kris". 

Kristofer, with a K. 

It has been a year since that first date. And a lot of things happened in the past twelve months (including Covid-19 and our opposing socio-political views), but we have decided to stick together through thick and thin. Pandemic or no epidemic. We choose to understand our differences and we choose to be kind with ourselves, and with each other. He'll be definitely surprised when he reads this long prose, but this is how I express my romance.

I love you bb.


8/12/2019

Closing Books, Not Closing Doors

I used to believe that a proper goodbye should be done to every liaison we have with another. There shouldn't be ghosting, or any disappearing act, or an episode who left us hanging. It kind of hurts, that alienating feeling of not knowing how a story ends. So even though we did not work out after a year of online communication and an out of country travel, I decided to write him a closure letter. Read or not read, it gets cleared, at least on my end.

----

Hello Engineer,

I think I need to tell you this. You know I really hated ghosting, more than hurting. 

Remember the time you have ignored me from the day I met your mom? Nagsumbong ako sa isang traveler friend, seeking answers to your questionable behavior. He mentioned that there is this group chat that acts as sensates and provide support, and somehow, explanations. 

Last 8thJun, I met an online friend who was part of that support group, a chat about MBTI personalities. He's a doctor, and it's an auspicious day to watch Aladdin and to destress by drinking Gong Cha. After that came another date, and another. Last 12th, he confessed. And then two days later, I decided to commit. 

I don't know, Engineer. Sometimes life gives you such random inexplicable singularities, to which a switch had flicked. Perhaps too good to be true between this person and I, but I choose to join in his little bubble. I want to fully commit in this art of dance. 

I hope you can find yours too, and incidentally, when we see each other in future travels, we have little bittersweet smile in our eyes, realizing a possibility that never happened. Again, I am closing our books, but I am not closing our doors. Padayon, kaibigan.

Ella

8/10/2019

Naruto Dimple

Again, this is my personnal narrative. Names are deliberately changed so that those who knew the characters will not be stalked. Him and his self-absorbed social media footprint. 

It was Day3 of the Vietnam itinerary. Desert sunrise trip cancelled because of the rain from the prior day, so we opted to visit Cu Chi tunnels. All tours are unavailable, so we embarked ourselves on a DIY trip. We used to do conversations in transit so on the bus ride, we continued in our nostalgic narratives. 

Of course, with our senses at jumpstart, we re-discussed the day's logistics, expected expenses, and re-calculation of the ETDs and ETAs. Where to eat will come at a certain point, we were not hungry yet. Then comes those wishful thinking about goals for the family. I mentioned, "As long as buhay si Mama, I soldier on". He planned to create a grander ancestral home, a big place for a reunion whenever he comes home.

Today, I wonder if he is into that goal still or he just say it to symphatize with me and my large family...?

It suddenly got shifted to the books we read (and I knew at once that he is not a reader, he was just saying the books he curiously browsed in his younger years), Game of Thrones memes (because I have little interest in doing a marathon of the whole series), and next travel plans (Dubai on November 2020, Tokyo on Olympics was also proposed).

"Si Grace andun sa Japan."
"Grace? Ex mo?"
"Oo, yung pinakahuli."

Then he goes along with their backstory, on how a third party came into equation, who's losing who, and how the new boyfriend overlapped their "sila pa" episodes. He also explained the little things that caused the breakup: lapses in video calls, zero "I love you" declarations, and the fail of the routinary Hello and Goodnight's. He then stated about being too noisy in facebook, about relationshits being very glaring in social media.

"Kaya ba ganyan ka-self-absorbed ang Facebook and Instagram mo?"
"Oo. ang hirap bumalik sa nakaraan at isa-isa mo syang binubura. Kamukha nun si Mikee Cojuangco, alam mo ba yun? Dalawa dimples sa labi."

The actress got me triggered. I was that Mikee Cojuangco!!! I remembered my parents saying those because of the similarity with my smile.

"Tumingin ka saken nang maayos! Dalawa rin ang dimple ko, may naruto dimple pa nga ako oh! Biloy lang yan! Alam mo, ang kailangan mo ay hindi [Move on], kundi [Move forward]! Ang kailangan mo ay ang taong makakatanggap ng past mo na yan."

I was a that point that I wanted to hit him with this punchline "Kasi ako, tanggap kita!" 
But I can't.

I just looked out at the window, a boiling passion dissipated. Clouds from this little black kettle meddled with thin air. I just stared at this motorcycle city called Ho Chi Minh, hoping he felt what I wanted to say. 

All I sensed was silence.
Perhaps, that's how it should all end: with silence.

8/11/2018

Sakaling Hindi Makarating: Entry 2

Some side-notes: I wish to have lots of entries being sent to different friends, rather than concentrating on one. That way, you get a variety of letters in a specific moment in time. If you want one, I can send you. Kindly message me your address, together with your ZIP code. 

---

Dear Joseph, 

Kapag naiisip ko na palagi kang busy, naiisip ko ang tambak mong labahin; ang mga uniform na hindi pa napa-plantsa, at ang pagkain mong hindi sapat kasi hindi mo hilig ang gulay (or ako lang ang may akala nito?)

Sana palagi kang maayos, pakatandaan na ang pera naibabalik, pero ang oras, hindi. Kapag may sakit ang isang tao, parang hinihigop nito ang oras mo na dapat ginagamit sa ibang bagay - tulad ng paglalaba. 

Worried ako. O siguro, medyo guilty. 

Kasi naiisip ko kanina sa bus kung deserving ba sa tulad ko ang isang linggong bakasyon, or baka... 

Tumatakas ako sa bagwis ng buhay...?

At kung busy ka palagi at nauubusan ng pagkakataon para sa isang mahabang kwentuhan, paano na ang kakarampot na oras para pagsaluhan?

How do you build connections from fragmented conversations, Joseph? Do we write long letters like this one? Sa akin, okay lang. Mahilig talaga ako magsulat! Ikaw kaya, hilig mo ba ang pagsusulat? Or baka, tulad ng Messenger memas mo -- pure one-line endnotes lang? 

It's actually a wonder how do you make time to connect. Siguro kailangan nasa sa iyo na mismo ang hugot ng pasensya at disiplina. Sana maisama mo ako sa listahan. Na bigyan ng mahabang pasensya sa mga pinagsasabi ko rito.

Mag-iingat ka palagi, pogi. Aasahan ko na sumama ka sa amin sa Vietnam nina Ric & Michael. Ay siya, balik labahan na! Hehe.

See you, 
Ella

(wrote in a bunk bed, Mori Hostel, Singapore)

Sakaling Hindi Makarating: Entry 1


I started the entry only after sending this post from Singapore! It's actually a gift from a barista friend who just came from Kuala Lumpur for holiday, but the photo's too pretty not to share halfway across the globe.

Speaking of, I forgot the message I put there, but I remember that there is a hashtag in the postcard:

#Diga

OH MY GOSH. Hahahahaha

Sakaling Hindi Makarating?

I was actually in touch with a long distance friend but I was afraid that all my posts will not be able to reach him, or if it does, perhaps a significant event on the post already died, or the time it arrived came too late.

Which is why I come to this entry.

I want to save all my mementos before I send them over to that person. I want to keep track, like all those memories that I want to remember.

You can never tell, but maybe he can make ways to return the favor. He might write me, too. Or at least, send me a postcard.

I remember Em and Dex in David Nicholl's One Day, where they exchange notes. I guess this is where my interest in post-crossing started.

If you want to read along the entries, have a look. Maybe I can add a label to the blogsite. Happy reading! #IfItNeverArrived