4/28/2024

Timestamp. Screenshot. Pagninilay. Pagtatahi.

Alam mo ba M—,

Grabe! Napakainit! Hindi naman ganito noong mga bata pa tayo. O baka, tinitiis lang natin ang init at hirap ng paglalakbay mula sa bahay papuntang school dahil wala naman tayong sapat na baon. Naalala ko pa noon na 100 lang ang baon ko sa bawat araw sa PUP, at ang klase natin ay naka-schedule mula 9AM hanggang 9PM, nang may pagitan na tatlong oras mula 12-3PM. Nakakaloko, kasi kahit Php5.50 lang mula Boni Ave to Stop and Shop, eh hirap pa rin akong pagkasyahin ito sa dalawang beses na kain sa buong maghapon, at sa pagbabayad ng mga pa-xerox natin ng mga assignment at papa-print ng feasibility study. 

Bigla kong lang naalala ang ganitong mga sandali ng buhay-estudyante nang ako'y mag-grab car mula rito sa aking maliit na condo papunta sa isang coffee shop na namumutiktik ng mga estudyanteng isang sakay lang mula sa Katipunan. Ang ganda ng lugar, grabe. Samu't-saring upuan, malamig at maaliwalas ang ambience, at naisip kong pwedeng mag-book talakayan. Mabigat kasi yung akdang naka-toka sa akin, kaya naisip ko na maging #teata at pumili ng espasyo na okay at pwedeng magwalwal ng kaisipan, kayang maghimay ng tema at pagnilayan ang ingay at gulo ng aklat na tungkol (raw) sa untold stories (kuno) ni Magsaysay (as the backdrop). Nang makita ko si J—, sinabi kong dito na kami magtatalakay — at wala na akong pake kung tingin ng mga batang miyembro ng book club ay isa na akong matandang babaeng may big anteh energy at MC (main character) complexity, ang madalas na staple ng Overheard in Manila memes. 

Nang makaupo si J—, nagdaldalan kami about sa pag-hi ko sa kanyang Tita at pagtanong ko kung pwede ko syang maging Ninang sa kasal, kahit wala pa akong fiance na ikakasal. Nabanggit rin ang kaunting sipat ng pamilya, at ang dinamiko ng mga pag-uusap ng mga magkakapatid. Sinabi niyang huwag ko raw syang daldalin, kasi plano niyang magsulat sa conducive coffee shop na yun. 

Anong ginawa ko, aba'y syempre, lalo kong dinaldal. HAHAHAHAH

Kaya ako nag-hi kasi may tatlo akong agenda: 1. Maging Ninang si Tita; 2. Magpasa ng manuscript ng mga sanaysay; at 3. Kapag ang dalawa ay palpak, mag-invest sa negosyo nya. (Siguro pang-apat ang gawin itong Publicly-listed Corporation at magkaroon ng ticker AVND sa Stock Exchange, pero sobrang suntok sa buwan na 'yun). Sigurado na ako M—. Paninindigan ko na ang pagbuklat ng lahat ng liham na hindi mo mababasa at ilalahad ang ilang mga personal na lihim sa madla. 

Nagsumbong ako tungkol sa paggawa ko ng sanaysay. Nagrereklamo? Siguro? I-english ko - I ruminate about the conversations of Call to Action. These panelists (who I believe are peak GenX) told me about the traditional forms of essay-writing. Essays are engines of persuasion. What they need is the spirit of the call to action. They were asking about my composition. Yes, the tone is very entertaining and very understandable. Yes, the world-building and the register of experiences are everpresent. But where is the soul, that echo of a call to action? Qiqil. 

Kailangan ba sa bawat sanaysay ay may ganitong panawagan? Peak millenial ako. I am better with breaking norms, katulad nating ang mga batang binabaklas ang mga nakagisnang kamalayan noon. Utilizing websites and social media to store the signs of times, like putting it in a time capsule and preserving a little piece of sub-culture. Anong call to action? Hindi naman ako college student noong EDSA Revolution. Ginawa ako noong EDSA nina Papa at Mama. Pero paano ko kung sasabihin kong hindi pala espiritu ng EDSA ang labing-labing moments nila, kundi isang episode ng sigawan at sisihan ng unwanted pregnancy, just because the medicine has been forgotten by the mommy and the event is being gaslighted by the daddy? Paanong magkakaroon ng pormal na panawagan, kung tayo ang epitome na tagatanggap ng mga trauma ng mga boomer nating mga magulang? Jusq M— hanggang ngayon ang mga magulang ko ay hindi marunong mag-sorry. Dahil hindi yata kinamulatan. Trabaho ko ba bilang superwoman ang manawagan, o magpataas ng antas ng kalinangan ng panitikan, or whatever have you? Unang-una badang, mga accountant tayo. Kung tutuusin, MS Excel ang ating main software sa propesyon at hindi MS Word. Bigyan ko kaya sila ng vlookup jan, eh.


= VLOOKUP,("Nasaan ang Call to Action?",1965-1980,1 panelist,TRUE)

= #NA


O diba, error. Pero sige for transparency:

= IFERROR(VLOOKUP,("Nasaan ang Call to Action?",1965-1980,1 panelist,TRUE),0)

= 0


O diba, nganga!

So yun nga, pwede bang kaysa maging shrill us sa power of persuasion ay chill lang mga bebegurl at bebeboi? Lalo na at ang binabaklas natin ay ang bulag na paniniwalang matatag ang istrukturang gumagana noong unang panahon. Hello, di ba nga naniniwala pa sila sa diwa ng EDSA noong Presidential campaign ni Leni Robredo? Pero anong nangyari? Nabasag ang pilosopiya nang manalo ang gaguhan ng pagboboto. Either may pulis na nang-iintimidate, o may 31Mn na hindi tao (kundi data) at nagpanalo sa tao. Narito tayo para ipakita at i-call out ang mga i-call out. And tbh, hindi ko kaya ang panghahamig at paghihikayat na manawagan ng rebolusyon. Dahil baka mawalan ako ng trabaho. Kapag walang trabaho, walang pambayad ng condo. 

Naisip ko sa lahat ng hanash ko kay J—, ang trabaho ko bilang moderator (ng bookclub) at bilang budding writer (wow, sarap pakinggan!) ay magpamulat sa mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad. Maipakita ko kung gaano kabaho ang isang bulok na sistema. Again, as a peak millenial, what we have are collective traumas, frustrations, and a tendency of resignation. At ang tanging paraan para maipamana natin sa batang mambabasa ang kritikal na pag-iisip ay ang paano tatahiin ang lahat ng timestamp at screenshot. We are really nearing the breaking point: GenX are slowly becoming boomers, Millenials are now the leaders, and GenZ are the emerging voices who call for immediate action, in a federated and sub-cultural way. All this while boomers stay boomers and out of touch from the lores of the post-pandemic, and Alpha Gen is facing the education crisis and polarizing realities.

Naniniwala ako sa GenZ na kaya nilang pagtahi-tahiin ang lahat ng rehistro ng wika at ng mga kamalayang sub-cultural at meme-ish dahil mabilis rin ang daloy ng impormasyong gawa ng social media. Sa instagram pa lang, mas ma-post sila sa stories na 24 hours compared sa ating mga millenial jejes na ang hihilig mag-post! Bawat ganap, may post, may caption. Hindi sa binabatikos ko ang posterity measures natin; nasasabi ko lang na magaling talaga tayo magtala ng mga kaganapan ng mundo. At lagi ko ngang sinasalmo recently na "Ang kasaysayan ngayon ay umuusbong sa huntahan ng mga tsaa at tsismisan." Magaling ang millenial sa huntahan at tsaa at paano ito ire-record, at naniniwala akong mas magaling ang GenZ at iba pang batang mambabasa na sipatin ang lahat ng record at maging mapanuri, at mapagtahi ito sa isang kasaysayan ng pagbabago. 

 

4/23/2024

Working Material: Mandala

Noong 15 years old ako, may Filipino teacher kami na direktor sa isang tableau. Maganda raw yung role ko as the Principal, convincing acting daw. Kinabukasan, nagkaroon ng rebyu ng mga linya sa dula at anu-ano ang pormal at di pormal na mga pangungusap. Nahiya sya siguro nang mai-call out ko ang mali niyang paghimay sa subject at predicate ng isang di pormal na pangungusap. 

Inaway ako. Sinabing por que principal ang aktingan ko ay pwede na akong maging mapagmataas. Tinuro nya ang suelas ng sapatos nya at sinabing, "Aba ineng, hanggang dito ka lang." 

As a passionate fire sign who hates liars: Eh sir, itong kuko ko, nakikita nyo? Hanggang dito ka lang. Nag-walk out sya. Makailang saglit ng katahimikan, naghiyawan ang mga kalalakihang kaklase. 


"Gago, Ella ang anangas mo dun!" 

"Yown, bukas guidance na."

At na-guidance nga ako. Tapos, 75 ako sa third grading period. Pull-out sa list of honor roll ng mala-annex ng Science High School. 

Isang dekada nang lumipas nang magulat siyang nag-apply ako sa Beda Law. "Hala, babalikan pa yata ako" ansabi nya sa isa ko pang kaklase. Sa facebook niya nakita yung entrance exam results ko sa San Beda. 

Ayun, bading pa rin si sir. At hinahanting sya ng sarili niyang multo. #amwriting #memoir #MrTanAsanKaNa

4/22/2024

Tsaa sa Palihan

 Hui M—,

 

Alam mo ba, ha? Ang saya pala ng mga workshop! Parang may masterclass at may libreng pagbabalik sa Filipino lesson. Na-miss ko ito, legit! Wala naman kasing ganito noong college tayo. Puru worksheet at mga numero lang. Grabe kapoy ra gyud! At dahil mas nangibabaw ang #TitaHits, sa sobrang pagod ko buong weekend ay derecho ako sa tulog ahahaha. Alam kong bampira ang timeline ng buhay ko, pero bakla, kagigising ko lang at gusto kong isulat ang aftermath ng mga ganap, pero mas gusto kong i-mention itong hanash na'to.

So eto na nga. ALAM MO BA, HA!

Sa mismong palihan ko pa na-meet ko yung naka-swipe ko! Bigla na lang nag-light bulb nung Sabado kasi sabi ko sa sarili ko, "Wow, he looks family!" Alam mo yung pareho kaming nag-kagulatan na ok naman pala yung tao, pero takot akong sabihin ito nang harapan kasi mas writer sya, kaya mas mabuting gawing flash fiction ito under my pseudonym... Ayun lang, dahil nai-share ko sa karamihan ang aking pen name eh di may takot akong muli na hanapin niya ang ikalawang persona ko sa panulat tapos bigla kong naisip, hindi naman siguro lahat ng tao mala-stalker ang galawan? At alam nating lahat na sa bawat akda ay may kwento, at sa bawat persona ay hindi personal ang atake.

Perso single daw sya eh, mag-isa lang din yata sa bahay at sa buhay.

So ayun, naikwento ko na sa iyo at kina T— kasi ayoko na rin mang-jinx at bigyan ito ng malisya, (hello, 37 ka na teh!) pero andun talaga kasi ung kagustuhan na kapag magkita kami, at kapag may fellowship / inuman sessions, ilalabas ko ang unhinged behavior ko at aaminin na na-swipe right ko sya... na hanggang pag-follow back lang sa instagram ang naganap. Sinubukan kong makipag-ugnay sa kanya dati sa online dating app, pero alam mong hindi ito magwo-work kasi iba ang ariba ng isang nakakasalamuha mo offline, lalo na at una mong nakitang footprint online ay isang katha, o isang rehistro ng wikang kayo lang ang nakakaalam (aka memes).

Pero matanong lang, paano nga ba ulit hanapin ang dati mong naka-swipe right dito? HAHAHAHAH talagang hinanap ko pa ih, feeling ko rin naman deactivated na ‘yun sya. Sana lang hindi awkward kapag nagkabukingan na kasi mataas ang posibilidad na aware din sya sa aking ‘tsura at sa paraan ng aking panulat. KASI, BAKIT PUMASA YUNG GAWA KO, ABA?!

Itanong ko ba? HAHAHAHAH

Okay fine, most likely, sasabihin mo lang naman na maganda ang gawa ko as a writer ng Personal na Sanaysay — OO NA, HINDI NA GINAGAMITAN NG BIAS AT EMOSYON ANG ISANG KATHA SA PAG-QUALIFY — peeerrro, malay naman natin? Kanpidens naman ang baon ko rito eh, dahil alam nating pareho na walang pang nag-lathala ng isang babaeng boses ng middle class at may bigat at danas ng isang batang mulat sa Home Along da Riles (both in sitcom and in real life).

Hilig ko talaga sa slowburn, no? Kakabasa ko kasi ito ng The Solitude of Prime Numbers ni Paolo Giordano at One Day ni David Nicholls kasi ito eh. Pinanindigan ko na talaga na may mga eksenabells sa aklat na nagma-manifest sa tunay na buhay. Life Manual lang, hehe. Kaya heto, ang buhay ko ay Mga Pagsasanay Sa Pag-iisa: Mga Sanaysay ni Egay. Iba sa iyong buhay na hirap na hirap sa anak mong parating naisusugod sa clinic.

Pero at least, may micro-family ka na.

Ako rin naman, may micro-family. Kasama ko itong mga bagong usbong na mustard sprouts at ang mga basil na tuluy-tuloy lang sa pagtubo, kahit kinakain ko sya matapos ko itong iyakan (as a therapy session). Naku, nabanggit pa naman nun ni sir na yun kung paano ko raw naitatawid nang mag-isa ang pamumuhay sa concrete jungle where dreams are made of na ito. Syempre sinagot ko, may minsanang iyak. Feeling ko, hindi mawawala sa isang peak millennial ang ganun. We are the generation that experiences a collective feeling of resignation, na kahit mulat ang kamalayan sa “call to action” eh hindi natin magawa, kasi alam nating ang sistemang ito ay ginawa para sa paulit-ulit na batuhan ng comfort at reklamo. Sa sobrang mulat natin sa pag-ikot ng mundo, mas nanaisin na lang nating hintayin ang mga kaliwa’t-kanang sigwa at matutunang itawid ang bawat krisis na ito. Ganyan na ganyan rin ang naging kumento sa akin ng isang panelist sa workshop na sinalihan ko. Kailangan ko raw pumili ng pwesto. At kailangan, sa bawat katha ay sana hindi lang neutral ang tono.

Pero magagawa ba yun sa isang liham na tulad nito? Ang gusto ko lang naman ay magtala. At minsan, mas gusto ko na rin lang umiyak para kapag napagod kakaluha ay may mas masarap na tulog. In short, naitatawid ko ang araw-araw as minsang baliw, madalas workaholic. Pero hindi mawawala ang pagsasanay ng pagsusulat. Kasi ito lang din ang aking release. Siguro katulad nya? Mas malikhain lang ‘yung sa kanya kasi kaya niyang bumuo ng isang eksenang may maraming tao at may format ng isang script ng dula't pelikula. Tapos itong sa akin, pilit na binubuhay ang isang artistikong paglalahad ng saloobin na unti-unting pinapatay na ng social media.

So heto, sumusubok ulit sa liham na hindi mo na mababasa. Pwede itong ilagak sa kategoryang "Mga Minsanang Kapansanan ng Pagmamahal". Odiba, aken lang yan! Inaantok na ako atm at ito na yung challenge ko sa malikhaing pagsulat, lalo na sa mga personal na sanaysay: paano itatawid ang thesis ng pagtatala sa pagmamahal, at paaano idurugtong ang katotohanang ang bawat katha ay isang sining din ng pagmamahal? Ah, heto: masasabi nating ang tunay na tala ng kasaysayan ay nagsisimula sa huntahang puno ng tsaa at tsismisan. Minsan, hindi sa isang pagtitipon. Pwede ring palipad-hangin sa algoritmo, parang post sa facebook. O maaaring maging liriko tulad nung pambansang ritmo ng pagpapaka-sadgurl at sadboi - yung bagong Frustrated Poets kineso. At ang isang pakikipagtalastasan ay isang pagtatala ng mga kwento mula sa isang taong nagmamahal…

Pero antok na antok na ako.

Hays, heto na naman tayo sa episode ng isang internal na tunggalian: uunahin ko bang i-address ang gutom, o itutulog ko na lang ang lahat ng ito? Babalik na naman ako sa sirko ng comfort at reklamo, at ang panandaliang kabaliwan ng pag-o-overthink sa mga "what-if" kahit alam naman nating pareho, may bumibisitang doktor at magluluto ng adobo. Ngayon, nasaan na ang ulam ko? Hays, wala namang ibang magluluto ngayong umaga kundi ako...

O siya, dito na lang muna. Kapag may bagong workshop ulit, balikan ko ito tapos dagdagan ko pa ng mga tsaa. Tutal, hindi lang naman ikaw ang makakasipat nitong munting tsismisan. Baka pati mismong si Mr. Playright... na magiging Mr. Right?



 

PS: Gutom lang ito. Ignore. Naku ilalagay na naman ito sa #MinsanangKapansananNgPagmamahal. Makapagluto na nga!

4/14/2024

Artifact ng Poverty Porn sa Akademiya

May Rush Hour ba sa Third World Country?May Rush Hour ba sa Third World Country? by Rogelio Braga
My rating: 3 of 5 stars

Masasabi mong artifact ang mga ganitong likha na bumabagtas pa sa Poverty porn bilang requirement sa isang academic writing bago ang kainitan ng social media.

May mga moments ako na nalulungkot kasi hanggang ngayon, ganito pa rin ang patok na trope sa sistemang lumalamon sa mga mahihirap. Siguro bilang pag-address (ng mga nananatili ng sistemang bulok) sa kanilang konsensya, pero nakikinabang sa buktot na kalakaran ng lipunan.

Parang junk food lang: isang upuan ng mga mahihirap na danas tapos itatapon na sa basurahan.

View all my reviews

4/06/2024

#PasaherongBuhay

#pasahero: mga nakikisakay na sanaysay#pasahero: mga nakikisakay na sanaysay by Joselito D. Delos Reyes
My rating: 4 of 5 stars

Simula nang mapagdesisyunan kong pag-aralan ang iba't-ibang istilo ng pagsusulat ng malikhaing sanaysay at creative nonfiction, nakita ko rin ang mga akda ni sir Jowie sa Abante online at sa mga mahahaba niyang hanash sa facebook. Bigla kong naalala, sumusulat rin siya ng sanaysay maliban sa mga maiikling kwentong nai-print ng Visprint noon.

Sakto, nang bumisita ako kay Mama para kumuha ng dagdag babasahin sa maliit kong bahay, nakita ko ang librong ito mula sa mga naitagong hiram na aklat sa aking family home. Hindi ko alam kung binigay ito kay Bebang, kasi may pirma pa ng author. Siguro. Kung bigay man, sana all.

Makapal ang koleksyon ng mga sanaysay. Noong una, akala ko tungkol lamang sa mga kwentong pagsakay at paglalakbay, pero napadpad na rin sa kwentong pamilya at pamumuhay sa probinsya, sa kanyang maybahay at kwentong turismo (lalo na sa mga gustong mamasyal sa kanyang bayan, o karatig-bayan). Meron ding tungkol sa social media, kwentong socio-politikal, at kwentong kultura.

Hindi ko mawari kung bakit, pero mas tumatagos sa puso ang kwento ng mga random na mga taong nakakasalamuha niya sa daan, at sa kanyang pagbabiyahe. Mabilis lang dumaan ang kwentong Duterte, o ang kwentong SONA, siguro dahil ayoko na ring balikan ang mga ganoong klaseng kahunghangan ng mga pulitiko at kurap na nilalang.
Mas nanaisin kong kausapin ang manggagawa ng sapatos at bag na may tindahan sa Espanya, o yung mga mag-inang nag-aaway sa bus habang pauwi si sir Jowie ng Lucena.

Kanina, first time kong sumakay muli ng jeep nang isang mahabang biyaheng Pasig-Quiapo. Pagkatapos ng halos labinlimang taon, sinuong muli ang pagkomyut gamit ang OG jeep (No to phaseout!) at napansin ko na sobrang malala na ang trapik dahil mas dumami ang kotse. Mas mausok, mas maingay, mas matrapik. Payo ko sa mga pasahero ng jeep, ugaliing mag-mask. Hindi na biro ang buga ng mga tambutso. Sinubukan kong magnilay, at maghanap ng kwento sa mahabang biyahe at matagalang pag-upo. Sa kasamaang palad, wala akong maisip at mainilay. Partly, because of antok and partly because of anxiety. Nakakakaba na baka bigla akong madukutan sa Kalentong, sa VMapa, sa Altura, at sa Bustillos. Sa dami ng mga kotse na nakakadagdag sa paghaba ng tindi ng trapik, baka hindi mo mamalayan na wala na sa iyo ang pitaka. Dito ko rin napagtanto kung paano unti-unting nawala ang aking tapang sa pagsuong sa ganitong paglalakbay dahil nasanay na ako sa Grab car, o dahil sa lapit ng bahay sa opisina (na kayang itawid gamit ang C5 bridge). Ganun na rin ba ako sa ibang sangay ng aking buhay, nawawala na ang kisig at sigasig sa pagsikhay?

Lahat tayo ay pasahero ng buhay. Sana, maisip ng bawat pasahero na maging makatarungan at maging makatao, at hindi dumaragdag sa araw-araw na perwisyo. Sana, maging mabait tayo sa kapwa at sa bawat salubong at pagkikita ay may mapupulot na magagandang kwento at aral na pwedeng itanim sa puso.

View all my reviews