3/27/2012

Selected Poems by Merlie Alunan

Selected PoemsSelected Poems by Merlie M. Alunan
My rating: 2 of 5 stars

Ang likha na puno ng prosang tula
Tila isang gawang nakababahala
Isang limbag di makapaniwalang
Sinimulang ng isang Pilipinong manunula

Hindi man ito pinuno ng pag-ibig
Pagkat kalungkutan ang nakaukit
sa mga pahina nitong wari'y malamig
Ang laman nito'y puru pasakit

Ninais ko ang kwento ng mga bata
Pati ang kanilang mga sinimulan
Ninais ko rin ang kwento ng mga matatanda
Sa pagsalaysay ng binagtas na daan

At dito ko tatapusin ang aking tula
na wala mang sukat ngunit may tugma
Ninais kong mahalin mula simula
Pero sapat lang ang pagkakagawa

-Rebyu, by Matronang Mambabasa

View all my reviews

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento