8/11/2018

Sakaling Hindi Makarating: Entry 2

Some side-notes: I wish to have lots of entries being sent to different friends, rather than concentrating on one. That way, you get a variety of letters in a specific moment in time. If you want one, I can send you. Kindly message me your address, together with your ZIP code. 

---

Dear Joseph, 

Kapag naiisip ko na palagi kang busy, naiisip ko ang tambak mong labahin; ang mga uniform na hindi pa napa-plantsa, at ang pagkain mong hindi sapat kasi hindi mo hilig ang gulay (or ako lang ang may akala nito?)

Sana palagi kang maayos, pakatandaan na ang pera naibabalik, pero ang oras, hindi. Kapag may sakit ang isang tao, parang hinihigop nito ang oras mo na dapat ginagamit sa ibang bagay - tulad ng paglalaba. 

Worried ako. O siguro, medyo guilty. 

Kasi naiisip ko kanina sa bus kung deserving ba sa tulad ko ang isang linggong bakasyon, or baka... 

Tumatakas ako sa bagwis ng buhay...?

At kung busy ka palagi at nauubusan ng pagkakataon para sa isang mahabang kwentuhan, paano na ang kakarampot na oras para pagsaluhan?

How do you build connections from fragmented conversations, Joseph? Do we write long letters like this one? Sa akin, okay lang. Mahilig talaga ako magsulat! Ikaw kaya, hilig mo ba ang pagsusulat? Or baka, tulad ng Messenger memas mo -- pure one-line endnotes lang? 

It's actually a wonder how do you make time to connect. Siguro kailangan nasa sa iyo na mismo ang hugot ng pasensya at disiplina. Sana maisama mo ako sa listahan. Na bigyan ng mahabang pasensya sa mga pinagsasabi ko rito.

Mag-iingat ka palagi, pogi. Aasahan ko na sumama ka sa amin sa Vietnam nina Ric & Michael. Ay siya, balik labahan na! Hehe.

See you, 
Ella

(wrote in a bunk bed, Mori Hostel, Singapore)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento