Some side notes — I was trying to locate my personal anecdotes in Facebook Notes from way back 2011 and for some reason, the notes themselves are very elusive. Was the Facebook notes section archived or deactivated? I was not even aware of this shift, really. In the meantime, I shall copy and paste whatever transcript that I can find.
---
Nagulat ang lahat sa bahay nang may dalang BABY si mama... tulog na tulog...
si munting tao - tulog na tulog!!! |
Siya ang apo sa pamangkin ng aking ina... at dahil hindi namin nakuha mula sa kanyang ina ang kanyang pangalan, tinawag na namin siyang munting tao.
Ang agwat namin ay lampas dalawang dekada na, at ramdam na ni mama ang pagiging isang lola. Medyo nagtampo sa aming mga anak at nagtatanong kailan kami magkakaroon ng sariling pamilya. Nang maidahilan namin na hindi namin kaya ang responsibilidad ng isang magulang, natigilan siya. Natawa na lang sa sarili kung bakit naisip pa niya ang ganong klaseng damdamin.
"Mama, prinsesa kaya ako sa bahay. Kapag nag-alaga ako nyan, palagi na lang akong bangag. Madaganan ko lang yan sa sobrang kulit kong matulog." -Ella
"Ano ba Mama, wala sa pangarap ko ang isang bata." -Peter
"Kanino bang bata yan? San mo naman napulot yan? Pamangkin mo ina nyan? (After 5 seconds) Ang cute cute cute mo naman!" -Emman
Two other kids, Kitty and Jedi, did not see the baby, they are both fast asleep.
Pagkatapos ng tulog, nakaramdam ng gutom. Pagkatapos kumain, dumumi. Pagkatapos hugasan at linisan, naglaro sa kama. Pagkatapos maglaro, biglang nangingilala. Siguro nasa isip ng munting taong ito kung bakit narito siya at wala ang kanyang ina. Pagkatapos mapagtantong wala ang kanyang ina, nagsimula ang iyakan. Habang may iyakan, lambingan ang bitbit ng kanyang lola at mga tito at tita. At dahil sa munting tao, marami pa kaming gising sa tahanan.
Nakakatuwa si munting tao. Walang muwang. Walang kamalayan sa paligid. Ang tanging alam ay kumain, maglaro, dumumi, at matulog. Hindi niya alam ang pangyayari sa ating ekonomiya, ang duming bahid ng pulitika, at mga kaganapang tayong may edad lamang ang nakakaalam. Minsan sa buhay natin, ninais rin nating bumalik sa pagiging munti - walang malay, walang pakialam. Sa konting kaalaman, mayroon tayong sariling mundong nabubuo na tayo lang ang nakakalikha - SANKTUWARYO (sanctuary) ika nga.
Gusto kong maging munting tao katulad niya. Ngunit dahil matanda na ako, may kaalaman, may paninindigan at disposisyon, isa na ako sa mga alagad na magpapagalaw sa mundo. Hindi na ako ang taong walang malay at walang pakialam. Pero naniniwala akong kaya ko ring bumuo ng sariling mundo, na ako lamang ang nakakaalam. Sa bawat pighati na aking mararanasan, at sa bawat problemang hindi masolusyunan - magtatago muna ako sa SANKTUWARYO at mananaginip... at sa muli, ako'y babangon at susugod, magsisimulang muli, kahit sa paraang munti.
-----------------------------
(off topic) PERO ANG KYUT KYUT KYUT NYA!!! sabi nila tawagin ko na lang siyang Trudis Liit, pero hello!!! Asa makati ang baby, syempre dapat sosyal ang name nya... hehehe...
[at muli, umiyak ang munting tao - hala nagwawala na!!!]
si munting tao at ang mistulang lola |
---
(inputted in facebook notes last 26 October 2010)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento