Napanaginipan ko sya. In another world, Neurologist na sya and legally single. And we were crying because after all those years, love pa namin bawat isa. Matindi yung sugat na iniwan nya ako, and for him naman, yung scar from the fear na kayang-kaya ko sya palitan. And we were riding a yacht where he can mix drinks and serve the guests, and suddenly, may isang onbarded sa barko na may sugat / sakit pero hindi ko alam anong sakit o anong dahilan. Nagpatawag ng mga doctor sa barko, kung hindi raw rumesponde ay babarilin lahat ng pasahero. Tatlo silang doktor na nagprisinta. Pero siya yung pinakamatagal sa loob and pinakamay exposure sa pasyente. Hindi ako mapakali, sumilip ako sa pinto kung nasaan ang pasyente, pero may baril na hawak yung guard sa labas.
Nang matapos yung operation, nagkakatremors sya, tapos niyakap ko na lang, hindi na niya napigilan yung pag-iyak. Sa takot. Tapos naiyak na lang ako, dahil sa takot at awa. Tapos nakatulog kaming nakaupo pero yakap bawat isa, the aftermath of that incident with the patient. Kinabukasan, parang bigla syang nawala sa sarili ulit. May malalim na iniisip. Hindi ko makausap, ganun. So pumunta ako sa yacht at naghanap ng tubig. Uminom muna hahahaha hindi ko alam bakit ang linaw ng eksena ng pag-inom ng tubig. At gumising ako para uminom ng tubig.
Pagbalik-tulog ko, parang dumugtong yung panaginip na nameet ko yung 2 doktor na pinili na mag-opera sa patient. Tinanong ko kung bakit pinakamatagal si ex sa loob, sumagot yung isa, "kelangan nila ng may experience sa trauma". Dun lang ako nagkaroon ng lightbulb moment na trauma doctor sya and hindi neurology ang tinuloy nya, kundi orthology (para sa buto). And dun ko na-realize na hindi na kami ang para sa bawat isa kasi may kailangan nya ng therapy na magmamanage ng trauma niya.
So nagising na ako tapos nai-type ko ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento