5/04/2020

Paglipat

Sunog. Tupok. Bumberong walang pakinabang.
Abo, yun na lang ang aking naabutan. 
Wala na ngang ayuda, wala na ring tahanan?
"Saan na tayo pupunta? Sa lansangan na naman?"
"Kailangan kong mamasada, Tatang! Wala tayong ibang aasahan!"

Ito ang bahay na biktima ng pagkakaton
Sa biglaang under construction
"Tatayuan raw ito ng condo?"
"Ha? Biglaan naman?"
"Walang notice? Sino bang may-ari?"
"Ngayon talaga?! Quarantine na nga!"
Hala, ang iniisip sari-sari. 
ECQ na nga, dumagdag pa ito
Kung kailan ang kailangan ay tulong?

Habang ang mundo sa labas ay magulo
Ang munting bula ko'y unti-unting naglalaho

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento