Hello mga jejemon! 😁
Flexing this book in the Tuloy Po Kayo 2021 of CCP |
I've recently read Remains by Daryll Delgado and I hope you will indulge me in this long post. But first, I want to personally thank you for patronizing my adventures in writing online journals, book reviews and for listening to my podcast! You can actually hover to your spotify app and click this link.
Pero kung tinatamad ka, you can simply read along in this entry.
I've collated my discussion notes and other hanash from our Buddy-reading spree with Kwesi, Neil and Jessie in a Facebook group page. If you are a student looking for some additional ideas or notes, I hope you can find them here.
Honestly, I enjoyed reading Remains. It is one of the disaster fiction in the world of Filipiniana, and this has sold me to explore more of Daryll's works. The dynamics of the characters, the conflict and struggles of Ann, and of the people around her. It has evoked some of the emotions that I even thought I was deaf of. Or dead of, if that word works. I hope by collating my notes you will also be excited to have this reading experience. 😄
SECTION 1: CHAPTERS 1-7
- Okay ba sa inyo ang paghalo ng Waray, Filipino, at English sa nobela?
As to the language, being multi-lingual, I think it's fine. It made me appreciate the mother tongue my father considered dead when he moved to Manila during his high school years. And ako, who personally do not know the language, was curious on how the dynamics went if English and Waray was combined in some sentences... Groovy pala, parang coño bisdak rin lang hehe
As to its pacing, hindi sya mabagal like The Quiet Ones. Malaman kasi sya. Andaming mga pahapyaw na mga kwento. Parang fill-in the blanks ang atake. Or jigsaw puzzle. Enjoyable read, and medyo may mga snippets of family drama + nostalgia. Yung laman, mas bumibigat bawat kabanata. Atat ako makilala si Mrs. Suarez in the first four chapters, tapos malaman-laman ko biglang lumayas ang bakla (sa mga sumunod na chapters)
- Na-intrigue din ba kayo? Ano meron sa backstory ni Ann na interesting sa inyo? Ano kaya mga tinatago ng kanilang parents, no?
Yung backstory ni Mrs. Suarez ang nacurious ako sa umpisa. Bakit may pagpapanggap? Bakit may piging? Sino si Tito Jun? Magbeshie ba talaga si Atty. Suarez at Manong Paterno? MAY LOVE TRIANGLE BA?!? chos, eme. Hindi ako masyado curious ke Ann at sa ex nya at sa kung anuman ang meron sila ni Ben. Altho, interesting take rin yung dynamics nila ni Alice. And nakakatuwa, kasi kahit magkaiba sila ng ugali, nagkakausap pa rin silang magkapatid. Stark contrast with some sad realities na dadalawang magkapatid na lang, hindi pa nagpapansinan.
- Kung ikaw ba na i-interview, ganon ka ba mag-desribe ng situation mo? Or baka dahil lang din sa translation ni Daryll Delgado? Or do you think since fiction naman ito, okay lang na maging literary ang transcript? What do you think? Ano pa kaya ang mga ginamit na instances ni Daryll para mabigyan ng historical context ang setting sa nobela?
Kung iinterview-hin rin ako ni Ann bilang isang ina na may nawawalang asawa, feeling ko katulad rin ako ng nasa transcript. Mananawagan, ipapakita picture, magra-rant ng "Bakit hindi kami sinabihan? Kesyo huli na?" Share ko rin lang, may gantong istilo ng panawagan ke Ms. Karen Davila from Real, Quezon. Bagyong Yoyong. Dami ring namatay, tapos iyak-iyak si nanay. Buhay daw sila ng anak nya, ganun. The translation in English kills the spirit of the original transcript. Ewan ko ba, ang pakiramdam ko kasi, binalik ako sa fictional aesthetic ng nobela. Or ako lang siguro ito.
Tip: Next time, I shall not read the Translation. Just skim and check the words that I didn't understand the meaning.
SECTION 2: CHAPTERS 8-13
- Somehow, na-reveal na ang backstory ng nanay. Kung sino siya. Pero hindi pa rin buo yong family drama. Kung bakit sila iniwan, yong mga secret. Si Paterno. Do you think may similarity ang nanay kay Ann?
These shifting narratives are not 100% seamless, pero as to the history of the family, parami nang parami yung nailalahad. Pero bakit parang kulang, ganun? Dahil ba passive si Ann? Parang ewan si ate, hindi ko alam kung edgy in her own way or trying hard Daria to hide any sign of a childhood trauma. Ongapala, narinig pala yung putukan nang mategibam si Tito Jun.
- I hate manipulative people! Feel ko talaga Sagittarius itong si Anne. What do you think?
Ang hindi ko matanggap ay ang gago ni Ann sa mga lalake. Dahil ba kinamulatan nya mga bruskong lalake, kelangan brusko rin sya sa larangan ng jowaan? Hays. Tingin ko, mana sya sa mama nya. Or, because of her hate with her mom, nae-emulate nya yung pagiging passive ng nanay nya sa kanya. Kinamulatan eh. Feeling nya mas physically and emotionally present ang papa nya, kahit may pahapyaw na mas maka-Romualdez si Attorney kesa sa kanyang misis. If polarizing beliefs ba ang mag-asawa, eh, hindi ko pa rin ma-solidify. Pero grabidad yung isla sa Leyte kung saan magpa-party mga burgis. Malalakas talaga ang alon para yung mga simpleng mangingisda, hindi makakasilip sa party ng mga Alta. Jusko, ansarap ipalamon sa mga alon.
KWESI NAMBABASH KA NG SAGS EH SAGITTARIUS ANG ZODIAC KO AT HINDI NAMAN AKO GASLIGHTER?! (lol, I just want to emphasize that it is not fully based in the zodiac as to the person's character)
- Talking about psychology, malaki rin ang role ng trauma sa kwento, no. Pero hindi ko pa alam kung saan pupunta yung collective history X collective trauma. At kung paano nako-connect yung historical context sa mga nangyayari sa Yolanda. Ano masasabi niyo doon? For example, na-survive ang buong pamilya kasi napasa ang memory ng kanyang grandparents regarding the warning sign: three waves. Agree ba kayo?
May nakita akong facebook or instagram(?) post ni Daryll about writing fiction relating to disasters. And, magandang literary(?) device yung mga transcripts. Dahil first-person narrative ang pagkakalahad, ramdam mo yung emotional trauma.
And ako, as a reader, wanted to help. Remembering stories help.
Especially the kwentong bayan of three waves? Totoo yun. Kwento ng Matatanda yun. Taga-Isla Verde ang nanay ko, kaya nang tinanong ko yung tatlong bugso, alam nya rin yun. At alam ng mga taga-isla ang matiktik na alon (yung maraming puti, like sa gitna ng laot) versus sa maputik (lesser seawater, seafloor more visible). Kapag maputik, "aba'y umakyat ka na."
Note: nanay ko katagalugan. Kaya hindi sya basta in Visayas region. It was a learned lesson of the ancestors. Personal narratives. And again, remembering stories help.
To echo yung hanash mo about the setting, visual treat ang eksena sa libingan. Ang linaw ng pagkakalahad. Dama ko yung awa sa mga bata. At ramdam ko ang kawalan ng tubig. Yung nilagay ni manong yung bottled water sa puntod ng asawa nya, huhuz galore. Grabeeeee
SECTION 3: CHAPTERS 14-20
- Uhm. That was so anticlimactic. Do you think may pasabog pa sa dulo ng libro? Ano na feel mo? Na-satisfy ka ba? Feel mo nabuo ang pagkatao ni Ann at ni Paterno?
Gg ako nang may spat sesh si Ateng mo! Worthy to mention lang yung page 232:
"You don't need to do anything, Dins. Just drive for me, okay? That's all, that's what you're here for, that's what I am paying you for—"
PUCHA. CLIMAX DEAD. In that one statement, dito ko napagtanto, walang magiging closure.
- Hindi ko pa rin kilala ang parents niya. Hindi ko pa rin kilala yung ibang character. Si Alice. Si Paterno. Sino mga yon aside sa connection nila sa kaniya?
- Grabe, last night na sa Tacloban. Pauwi na si Ann, pero same with her ang mga hanash ko, I don’t know what is this all about. I don’t know bakit pa siya naghabol na mag-investigate kung ganun lang pala. There is no reason. Just plain coincidences. Ganon ba? Ano na so far ang assumption niyo sa nobela bago matapos?
At dito ko rin narealize na, this book is not about solving mystery, but about facing the bitter reality. Hindi man sya hard-slapping truth, pero may mga pahaging na eh. Ayun lang, because Ann refuses to accept it, or maybe because the people around here knows that she's too vulnerable and traumatized to face it.
Some disclaimers as these are my personal opinion —
Gagu yung attorney talaga. Gunman goon talaga yang si Manong Paterno na yan, kaya nung nakapagbayad na sya para humaba ang buhay ni attorney eh parang feeling nya naitubos na niya ang sarili nya. A case of absolution, ganern. Kklk this life.
SECTION 4: CHAPTERS 21-25
- Do you think mas magustuhan mo ba ang libro kung naging plot-driven siya?
If I am to choose the ending... Ako, gusto ko makita mag-suicide si Mano Pater, ganern. Magpapalamon sa dagat. Para may drama!
- Feel ko nalunod lang ako doon sa paranoia na nararamdaman ng character. At feel ko, yun naman ang punto talaga ni Daryll. What do you think? Ano ang pagkakaintindi mo doon sa kwento?
Pero yung may chapter talaga ng Sex part eh. HINDI KO GETS BAKIT MAY SEX PART PA WAHAHAHA
Mas nagustuhan ko yung mga salaysay on chapter 25. May affirmation na walang naaamoy sa bahay. Yun lang naman talaga ang kailangan ni Ann eh. Assurance. Solace, ganyan. Weakness talaga yung nasimulan ako sa mga disjointed puzzles about the family history. Mga tanong na walang closure, charot. Pero kapag ginawa mo kasing plot-driven, nawawala naman yung central theme ng nobela.
I am so torn. 😣
- May masasabi ba kayo sa mga transcript bilang collective memory, ano? Collective history?
Dito ko rin sa mga huling chapters ng libro ko napagtanto na yung book ay Remains ay tungkol sa kung anuman ang natitira kay Ann, sa Tacloban, at sa ating mga naaalalang kwento at kasaysayan. Medyo nag-dawn lang sa akin ngayon na ganun na lang talaga ang natitira sa historical context. Hindi na maipangalan ang diktador, o yung shift ng mga tao sa galit ng kawalang kwenta ng dating gobyerno sa pagtulong at pagbangon. O yung mga kwento ng mga yumaong kaanak ng mga biktima ng bagyo. Tapos, ganun na rin lang yung mga natitira sa taong naging saksi sa isang pagpatay. Ramdam nila sa sarili nila, patay na rin sila. O may pinatay sa kanila.
#
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento