5/03/2021

#Cancelledt ❌❌❌

Babaeng MisteryosaBabaeng Misteryosa by Benjamin P. Pascual
My rating: 2 of 5 stars

Sabi nila, may iba't-ibang anyo ng kamatayan sa nobelang ito. May mga tagpo ng kamatayan sa katauhan ni Cisco (o Kikoy).

Pero ang hindi namatay sa akin ay yung galit ko sa panulat na hitik ng toxic masculinity at pagfe-flex ng pangunahing tauhan na may malaki siyang bayag; na kahit hindi siya burgis ay anak siya ng Diyos; na may alive-alert-awake na Kulaspiro at malakas ang loob na mamangka sa dalawang ilog; nakaka-putangina minsan kasi naiisip ko na ganito ang mga sulatin noong panahon ng Batas-Militar. Kailangan lang ng ma-dramang sulatin para malibang ang sarili sa kabila ng panggagago ng Gobyernong walang ginawa kundi manakot at mangurakot; at tulad ng akdang ito, ang gobyernong Marcos ay nagfe-flex ng bayag nila, sa kakayanang mangamkam ng kaban ng bayan, habang ang mga mambabasa at manunulat nito ay binabakya ang pag-iisip, at binubulag ng makamundong konsteksto ng buhay.

OK MARAMI PA AKONG EBAS SA AMING SUSUNOD NA PODCAST PERO SISIKAPIN KONG HINDI MAGING AGIT AT MAGING KALMA HABANG TINATALAK KO ANG GANITONG HANASH AT KUNG BAKIT MAY MGA NILALANG NA NAKAKA-PUTANGINA, EWAN KO NA LANG.

View all my reviews

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento