11/13/2022

I'll stop waiting for you.

Because bb, it doesn't make sense to me anymore. 

In our three years of this romantic interlude, I never felt more lonely since you went away, and not telling on when you will come home. 

You are amazing. I wish you knew that. You made me feel like a woman in our humble beginnings. Pero ngayon na gumagalaw ang oras natin at hindi kita nararamdaman, lalo lang ako nalulungkot, at nari-realize na hindi ko kayang panindigan ang paghihintay. 

I am breaking up with you, K—. Hindi nga yata ito ang tamang pagkakataon para sa atin. Ang daming komplikasyon, ang daming drama. Ang hiling ko lang naman noon ay isang partner na makakasama ko sa mga maliliit na bagay tulad ng pamamalengke at pagluluto. Pero kahit ang simpleng gawaing-bahay na pangarap ay hindi natin maisakatuparan. 

Gusto ko na makalaya sa ganitong kalungkutan. At ngayong unti-unti na akong natututong muli sa pag-iisa, hindi ko na yata kakayanin ang muli mong paglitaw at pagsasabi ng mga pangarap na pilit tinatanaw. 

Let me know if you have something of mine in your possession and I can request a courier / grab delivery to get it sorted. As far as I am concerned, wala ka namang naiwang gamit dito sa bahay, or sa aking mga lalagyan. 

I pray for you, and I wish you happiness and healing. Hope you can wish for mine, too. 


Respectfully yours, 

E—

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento