Ah doctor ba sya? We have this notion na He should know how to overcome depression...
Ngayon ko lang nabalikan ito. Sorry, swamped with work and with compartmentalizing crises in my life. I mean, asa sadgurl phase ako recently that I long for connections in the office. And yet, apektado ako sa mga napupuna nila sa akin na bibo ako and hyper sometimes, especially when overjoyed.
35 na ako pero grabe yung apektado ako ng narinig kong comment from my immediate manager. Tas naisip ko, mahirap ngang makakuha ng authentic friendship sa corporate environment because of competition (na sometimes, hindi healthy).
And honestly hindi ko alam if he can overcome that depression even though he gets medicated. Hay. I just don't know anymore. Baka i-break ko, baka hindi.
Alam mo yung feeling mo na nasa limbo ka, or nasa crossroads ka pero nakatambay ka lang ng mga tatlong buwan, hindi mo alam saan liliko. I just wanted the waiting to end and let my time start moving.
Sorry, trauma dumping. I shouldn't do this to you. Baka itsismis mo pa ako tapos ma-bash pa sa mga tao hahaha
Although, thanks for hearing me out (or reading this, I guess?) Nakakagaan rin ang isulat ang mga naiisip ko at the moment para mawala ang bigat na nararamdaman ko. Also, it is helpful to share some things with a total stranger. May ibang insight na mapupulot. Or even a presence is enough. Na somehow, visible ako.
So yeah. Maybe from time to time I might write things here, so heads up na rin sa iyo. Haha
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento