26 November 2022. Written during the Birthday blues.
Ano nang mangyayari saken? Gusto ko na lang matapos talaga ang taon na ito andami ko nang ka-bitter-an sa mundo. Gusto kong maghilom, alam mo yun? Pero ewan ko ba ang sakit pa rin. Hays.
Ayoko nga magkwento kasi nagiging trauma-dumping.
May issue sila-sila. May issue ka rin.
Pati ikaw na walang malay, dinadamay ko. Siguro andun kasi yung kumpyansang wala naman tayong naging kuneksyon noon, o walang naging talastasan noon, kaya hindi ka nakasubaybay sa mga ganap ko. Unlike yung ibang andaming nagtatanong kung okay ba ako... Natural hindi ako okay. Sino bang okay sa relationship loneliness kineso na ito? Na yung mismong "relationship loneliness" eh ang hirap nang gawing diskurso. Sa tingin mo ba masisipat yun nang walang bias? Natural, meron. Madalas, ako pa ang sisisihin. Naiisip ko pa lang sasabihin ko, napapagod na ako. Por que maingay ako, super clingy.
Mahirap bang sabihin na nag-walk-away ako out of the little self-respect that I have?
I can be that lowest self-maintenance one can be. Naging kabit nga akong ewan eh. Hays. Naiiyak na naman ako, sorry tinatapunan kita ng stress. Hindi naman dapat. Siguro kelangan ko lang sabihin (o isulat lahat ng ito) para lang ma-process ko ulit. Baka naman next month, ok na ako. Ready to fight na ulit.
Ngayon kasi, nakikita ko pa sya sa diwa ko eh. Nakakapagod na rin mag-overthink. #
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento