5/29/2023

Dear M

 Dear M—,


Naalala mo pa noong college, patay na patay ako sa iyo? Nag-confess ako sa iyo Friday night, tapos nag-break na tayo Monday night, sa may catwalk habang naulan nang malakas at maghihintay ito tumila, kasama ng mga tsismosa nating kabarkada? Sa sobrang lungkot ko, naisip ko bumili ng notebook, at magpalitan tayo ng mga liham sa isa't-isa, ipapahiram ito bawat gabi, at itinatala ang mga ginawa nating pag-aaral sa maghapon? Hindi ko naisip that it would be my writing style; ang naisip ko noon, gusto kitang makilala, kasama ng pagkilala ko sa mga riles ng PNR bilang main transport natin kapag sabay tayong uuwi after class. Kapag may pagkakataon akong sumabay sa iyo pauwi south-bound, isusugal ko ang oras ng commute at ng mahabang pasensya ng paghihintay sa second to the last trip to San Pedro, kung saan standing sa tren at kakarag-karag, mala-Home Along da Riles circa 2004.

Naalala lang kita nang magawi kami rito sa Albay at nakita ang mga riles na nababalot na ng carabao grass, o natatabunan ng aspalto sa National Road para sa sasakyan, at naisip kong sobrang bonak talaga ng mass transit sa Pinas. Hindi mo mae-enjoy ang magkakawatak at magkakalayong rancho at tourist spot ng Bicol region kung wala kang kotse. Malayong-malayo sa Japan kung saan bawat tourist spot eh may train station sa tabi.

Naisip rin kita nang makilala ko si J—. Galing rin sya sa school natin, pero team-dorm sya, hindi team-riles. Puru siya aral, at never nakasakay ng PNR, kaya ibang-iba ang kwentong promdi niya sa mabangis na lungsod. Nasa bansa na rin sya ng may effective bus transit at hyperinflated car prices kasi maliit ang lupain ng mala-NY na ASEAN nation. 'Kako sa kanya, ninais ko rin sumulat ng kwentong paglalakbay at pagkakaugnay — sa pamamagitan ng paggamit ng tren. Naalala ko na sinubukan ko yun noong college. Sinubukan ko sa iyo noon.

Parang tayong tren: mga riles ang nagdudugtong sa atin mula sa malalayo, riles din ang mahihiwalay sa atin kapag nasa gitna ito ng tawiran. It bridges the far distances to a close, and yet, we break away if we're too close. Gusto ko ring isulat ang kabalintunaan ng riles, katulad ng kalakhang maynila na napapalibutan ng balintunay: sa bawat barangay may solo-living sa mataas na condo na kapitbahay na class C at D na bahay na bato at lulan ang isang angkan. Parang tayo, na kahit anong pilit kong lumapit sa iyo noon, kapag hindi uukol, hindi bubukol. Ngayon tuloy, hirap kang igapang ang ipon mo sa mamahaling bilihin ng diaper at isasabay mo pa sa iyong hinuhulugang motor.

But that's another matter of irony. Hindi babagay sa balak kong isulat.

Na-enjoy ko ang Bicol, M. Kaya lang nalungkot ako kasi sa pag-enjoy ko, kailangan pa ng kaibigan kong humanap ng rent-a-car at puntahan ang mga lugar na may magandang view ng Mayon, at pwedeng picture-an pang-instagram. Kung hindi mo nalalaman, ang lakas ko maka-jeje sa social media. Gusto ko parati akong may picture sa travel ko, lalo na ngayong hindi ako masyado nakakapag-travel na. Kaya siguro hirap din sa pagsusulat, dahil hindi na masyado nakakapaglakbay. Adulting is so hard, I am faced with the challenges of purchasing furnitures and fixtures, that I sometimes losing contact with friends, and even losing sleep. Puru labas ang pera, pero para sa investment naman daw ang sabi nila. Parang sugal, para sa maalwal na pamumuhay.

Sana ganun din ang ating gobyerno, marunong sumugal para sa maalwal na pamumuhay ng mga tao. Kahit man lang sa mga bus na on-time, o sa mga LRT at MRT na dumarating na every two minutes sana. Pinakamaganda, ibalik nila ang long-distance rail transit mula Tayuman hanggang Bicol. Hindi yung puru San Pedro. Iabot na nila hanggang dito sa Albay. Better yet, get it done until Sorsogon. Para wala na akong dahilan bakit hindi ako makatawid ng Leyte. Ang probinsya ng tatay kong aning-aning na at hindi man lang death-ready ngayong matindi na ang sakit niya. Hay, nalulungkot ako na ang Pilipinas ay katulad ng tatay ko: lakas mangutang ng pera, pero hindi man lang maglaan sa kinabukasan. Hipak pa ng bisyo.

Sa pamamagitan ng kotseng hiram ay nakarating ako sa Green Hills ng Quitinday. Hindi ito shopping center oi, literal na berdeng burol na may kubo at matatanaw ang perfect cone kapag naiakyat mo ang lampas 100 steps assault. Eka nila, isang Congressman na raw ang bumili nito. Revoked ang ancestral domain. Wala man lang malasakit. Paano na kapag nagkaroon ng 100% ownership sa saligang batas? Hindi ako against sa ganung economic policy, pero kung hindi epektibo ang Tax Code nating circa 1977, paano natin masisingil ang mga panginoong maylupa, di ba? Hindi nga rin effective ang AMLA natin kasi andami paring naglalaba ng pera sa mga casino eh. Laba-pera habang nanonood ng Broadway. Ganun ang burgis way. Sometimes, free check-in for a patron. Oha, maging permanent resident ka lang ng sugalan para tuluy-tuloy ang money integrating. Hindi ko lang alam kung alam mo pa ang ibig kong sabihin; hindi ka na accountant, di ba? Nasa call center ka ng payables-receivables, kung saan mas nakaka-relate ka kung paano magsesettle ng mga credit card bills ng misis mo, kaka-hoard ng mga baby supplies sa Lazada kada buwan.

Sa dami ng gusto kong isulat kapag ako ay naglalakbay, hindi ko na maipili ano ang uunahin ko. Katulad ng paggamit ko sa notebook natin, parang dumpster lang ng mga iniisip ko ang notes app dito sa phone. Mas maganda ang tech ngayon, all of these are stored in a cloud. Hindi katulad ng notebook natin na nawawala na nang makita ni mama ito at itinambak sa kung saan, tapos ayun, Ondoy happened.

I just wanted to write about travel and connections and yet here we are: me trying again to connect to you via this epistolary exposition and you not knowing where I was and what I am doing. Kaya heto ako, nakahigang nagta-type habang tanaw ang mahiyaing Mayon.

So. Kumusta? 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento