6/11/2023

Dear Therapist

(Jotting this; I was planning to create a long writing material of my random conversations with the midnight therapist as I share my rants and realizations with the daily grind in the corporate and having only few moments. I used to talk to him during lunch breaks, while walking home, and even before falling asleep.)

---


Dear therapist, 

Bahay pa lang itong inaayos ko, pero ramdam ko na yata ang depresyon ng nanay ko nang inaalagaan kaming mga anak nya. Parati syang pagod, but she has to keep going. Naalala ko na hindi sya kinakausap ng tatay namin dahil busy sa graduate school, at busy rin sa pambababae, at busy na laitin ang nanay ko na walang alam sa tech at gadgets.

I never felt that isolation before, until this series of come and go, movements sa condo. Kung paano yung sukat, paano pagpantay. "Paki pantay naman ang laminate!" Paano yung grace under pressure, at lahat yun, wala kang ka-share.

Ang hanap ko na lang sa buhay minsan ay yung may ka-share ako ng struggling and thriving moments, yung sa pagtatapos ng araw, kahit antok na antok ka, may tatapik sa iyo (in a lover's way) and will tell you, "bukas, laban ulit." Ito yung mga moments na iniiyakan ko madalas sa pagtulog, kaya siguro hindi rin maganda ang tulog ko recently. Gets ko yung "meron namang iba jan", "laban lang", pero iba talaga kapag galawang jowa te. Mas may hugot, mas may pag-ibig. 

Charot ORAYT NALULUHA NA NAMAN AKONG EWAN HINDI KO NAMAN REGLA PERO HORMONAL AKONG EWAN

Feeling ko kapag si SG guy ang magsabi ng "goodjob" saken, maluluha na lang din ako, kasi naiconsider ko syang asawa before. Sobrang craving for a lover's touch ang nangyayari saken. But it will pass, sabi nga sa fleabag. So ayun.

Bayaran kita sa therapy mo hahahaha


(Dear Ella, 

First of all, pwede natin itong gawing podcast na ano?)


Bayad na! hahahaha


6/09/2023

Four Years

Happy four years, dok. 

It has been four years since we first met. Ito yung mga panahong nanood tayo ng Aladdin, at nagvideoke sa Centerstage kahit isa't kalahating oras lang ang nai-enjoy.

Andami mong sinabi noon, mga pangakong nariyan ka lang. Magkukwento, makikinig. Pero lumipas ang apat na taon, nagkasakitan na tayo, at ngayon, parang convenient fuck lang ang lahat.

Sabi mo may nararamdaman ka pa sa akin. Poot kaya ang nararamdaman mo sa akin? Mas gusto mo kasing hindi magkwento kasi nasaktan na kita, takot kang masaktan ulit. 

Pero ano ang aasahan ko sa one-way communication? Ni kwento mo nga ngayong araw eh wala akong alam.

Kumusta ako? Ito, nagpapaka-fleabag. 

Remember the SG guy? We recently talked again. Last night. Gave me an advice to keep the drive. Naikwento ko kasi na pagod na ako, pero masigasig pa rin ako sa pag-aayos ng condo, kasi gusto ko by July 1, ready na lahat.

Sinasabi ko sa iyo ito kasi ito ang kulang na kulang sa iyo, ang makipag-usap. Hindi dahilan ang ka-busyhan mo sa pagdo-doktor dahil parang hindi mo nirespeto ang katulad mong may titulo at pinanghahawakang propesyon. Mas naiisip kong wala akong halaga sa iyo, lalo na at kapag tinatamaan ako ng kawalang-kumpyansa sa mga bagay.

May nararamdaman pa ba ako sa iyo? Meron man, pero pagkauhaw. Uhaw na uhaw sa presensiya mo. Sa hawak mo, sa boses mo, sa pagtitig mo.

Itutuloy ko pa ba itong pakikipaglandian sa iyo? Hindi ko rin alam, wala kasi akong napapala ngayong taon eh. Siguro sex. Sex lang? Siguro. Hindi ko alam. Siguro mga danas ng iyong pakikipagkita, pero mas marami ang danas ng iyong pagkawala. Hindi ko nga alam kung totoong busy ka eh, paano, wala kang sinasabi. Susubukan mo pa rin ba yung isang buwan na hindi ako kausapin? Eh para saan pa at nakipagkita ka sa akin?

Kailan ka lalabas sa kuweba mo, at kailan mo itatapat sa akin yang sakit na nararamdaman mo? Kung kelan mamamatay ka? Inuulit ko ha, hindi ko alam kung nasaan ka kung mamatay ka. Wala akong balita sa iyo, at wala akong kakilala na malapit mo sa buhay. Kaya kahit anong galit man yan na tungkol saken, itapat mo na. Tapos, ikaw na magtapos nito. Sinubukan kong tapusin, pero hinahanap ka ng katawan ko. 

Mas mabuti siguro na ikaw na ang tumapos. At least alam ko na sa dulo ng lahat ng ito, may closure. Baka nga closure lang talaga ang hanap ko sa iyo, at hindi ang pagbabalik sa kalbaryo.



I don't know if it's still right to say I love you but I do, 

Ella.