Kumusta?
Minsan, nape-pressure ako kapag ano ang dapat isulat sa araw ng kasal, pero siguro unahin ko muna ito: salamat sa pag-imbita. Sakto, nasa estado na ako ng buhay na wala na masyadong pake kung gaano kalayo ang wedding destination, basta't makasama ako sa espesyal na araw na ito. Gusto mo ba isulat ko pa kung paano tayo naging close sa opisina? Actually, I cannot answer that, because I used to be not close to workmates as I compartmentalize my social life. And I used to separate authentic friendships within and outside the office. Mas "friendly employee" ako kaysa sa "office friend". Iilan lang ang mga nagiging kaibigan ko sa workplace, lalong-lalo na kapag hindi ko ka-transaksyon o ka-relyebo sa workload. Isa pa, si Lyra at Jhana pa lang ang naging amiga ko na naging training buddy and non-work buddy ko over the years. Pwedeng ikaw na ang nasa third place.
Siguro dahil kalog ka, o kapareho ko ng work ethic, o dahil sa minsanang boy's talk over vape sesh natin, dun ka naglalabas ng sama ng loob at mga nadarama sa loob at labas ng opisina, at naging saksi rin sa kwentong puso ko na medyo komplikado. Baka susi mo sa pagiging friend ko ang pagkakaalam ng kwentong puso ko, katulad ng pagdinig ko sa kwentong puso mo. Tingin ko, sa ganitong pagkakataon ko nakilala si Kim. Noong una, nakikita ko lang sya sa mga daily reporting mo at sa mga instagram stories mo. Millenial dating mindset rin kayo, unang nagkadaupang-palad sa social media. Akala ko sobrang mahiyain lang sya, pero nang makita kong nagiging daily chill pill nya ang jeje kong Instagram stories ay mas lalo ko sya nakikilala bilang kalog at masayahing kasama. Iba ang kinang ng mata nya kapag kasama ang kanyang mga malalapit na amiga, at lalong lalo na kapag kasama ka.
Masaya rin ako na dumalaw kayo sa bahay kong kulang-kulang pa noon, at handang makinig sa mga naging proyekto ko (lalong-lalo na ang pinagmamalaki kong gypsum wall). Mas natuwa ako nang magbigay si Kim ng mga halaman para may makasama ako sa araw-araw na pag-iisa sa bahay at tumatangke ng gastusin sa bawat pamamalengke at paggamit ng tubig, internet at kuryente.
Ngayon mo siguro maba-vibe ang samu't-saring sansaglit ng Singularity: lahat ng karanasan ng nakaraan, nararamdaman ng kasalukuyan, at baka-sakali ng kinabukasan. Natutunan ko ito kakapanood ng Kamera Trilogy ni Jerrold Tarog, lalung-lalo na sa pelikulang Sana Dati. Hindi sa dahil pareho kayo ng kwento ng bida, at hindi dahil kasing gwapo mo ang groom na nahihiya sa SDE, at lalong hindi dahil sa lugar kung saan kayo ikakasal ni Kim.
Kanang, usa lang akung palihug (wow, bisaya!): be patient and simply surrender everything today. Because today is a sensory overload of sorts. Not everything will be up to the T, and not all SLAs will be at 100%. Also, learn to have the romantic eye on moments that you tend to overlook, and just enjoy the relief after the ordeal.
That way, you savor the singularity, and you will realize that all those days of hardships and anxiety will be worth it, as you close the old chapter of your respective lives and open a new one — conjugal version na haha!
Singularity rin ang karanasan naming mga magiging saksi sa inyong pag-iisang dibdib, mula sa aming mga mata (at sa pamamagitan ng mga SDE at camera) na makakaipon ng maliliit na alaala sa kwento ng inyong buhay. Sa tuwing uma-attend ako ng kasal, naalala ko ang naitanong sa akin ni Lyra, "Tayo rin kaya, magkakaroon ng ganoong klaseng pag-ibig?" at sa mga minsanang saglit ng pag-iisa, ako'y naluluha. Minsan dahil sa inggit, minsan dahil sa awa sa sarili, pero parating luha dahil sa ligaya. Kasi sa bawat pag-iisang dibdib ay ang katotohanang lahat tayo ay may pagkakataong magkaroon ng kakampi at kasangga, at hindi araw-araw ng ating buhay ay pagsasanay sa pag-iisa.
Congratulations and best wishes!!!
|
Reminiscent of TSOB and Sabaw Conversations / Crisis Management circa 2022 |