"Ella, kahit wala kang kotse, bakit kabisadong-kabisado mo ang dinadaanan natin?" Ito ang naging tanong ng isang officemate nang hinatid ko papuntang Ugong, ang barangay malapit sa aking maliit na bahay. Nang mabanggit kong nabatak ako ng patok jeep hits ng Stop N Shop-Cogeo ay natawa na lang sila dahil sa kwento ng nakabibingin biyahe na tumatagal dahil sa tindi ng trapik.
Tulad ng aklat na ito, ang haba ng binayahe ko:
1. Nakita ang sample sa Philippine Book Festival
2. May nagchismis sa PBF na mahilig magparaffle ang manunulat (kaya hindi binili)
3. Umasa sa Nakita sa Booksale pero Hindi Binili (wala pa rin akong badge!!!)
4. Nagdownload ng PDF format mula sa page ni Josue Mapagdalita (pero ang gulo ng PDF stamp sa bawat pahina)
5. Umasa ulit sa ikalawang raffle ni Nakita sa Booksale keme ang dami ko pang nai-tag na tao, nandamay na
6. Nanalo ng ibang libro sa Akdang Pinoy
7. Nag-binge hike sa Japan
8. Sumuko na at bumili na ng signed copy (salamat sa pa-message! sobrang na-appreciate ko!!!)
Ngl, nang mabasa ko ang unang kwento, nasa isip ko na baka pang-Young Adult ito — typical for teenager readers. Samahan mo pa ng makulay na pabalat ng aklat. Mapapa-uwu ka if teenager ka, pero sa tulad kong konting pikit bago ang kwarenta ay medyo na-weirduhan sa sarili. "Clickbait ba ito? Baka puru ganito, hugot na naman ba ito? Recycled content na ata ito eh!" Pero katulad ng bawat commute, samu't-saring danas pala ang maba-vibes mo sa bawat kwento. Best to read the book one story per commute. Maganda talaga syang bitbit sa iyong byahe, na kaysa maburyo ka sa pagpila sa terminal, or mapasinghal ka sa puru pulang kotse ang nakikita sa daan, eh mahihigop ka sa mga sansaglit na sentimyento ng bawat dagli. Bigla kong naalala ang Suong ni Gerome Nicolas Dela Peña - ang koleksyon ng kanyang mga tweet. At gaya ng sa Suong, pwedeng simulan sa gitna ang aklat, tapos pwedeng mag-lipat-lipat. Dahil kung tutuusin, ang bawat biyahe natin ay hindi isang sprint, kundi isang marathon — isang combo ng samu't-saring uri ng lakad at takbo.
Nagustuhan ko ang mabilis na dama ng sensibilidad, dahil naging intensyon pala ng manunulat na walang gender ang mga tauhan. Without gender assignments, we can lure ourselves in the stories with the touch of our personal histories and sagas. At mas nagustuhan ko ang "alingawngaw" ng koleksyon. Mula sa personal na hugot ng pag-ibig, lumalawak ang boses sa mas malaking mga bagay sa paligid: ang iba't-ibang baitang ng manggagawang uri; ang hindi pagtuong-pansin sa ating personal na lagay (Mental Health) sa ngalan ng pag-grind; ang pagtalikod sa pinagmulang bayan at pangarap sa ngalan ng mas maalwal na buhay; at ang natitirang pait ng mga lumisan sa iyong buhay (Side note: sobrang nadali ako ng kwento na may biyaheng Sucat, nalungkot ako sa sarili kong mga college friends na hindi na nagkikita mula noong rehimeng Duterte, pero bago ang 2016 ay ang hilig na naming magreklamo kapag papuntang Town).
Sa larawang ito, nasa likod ng librong ito ang aming barangay hall. At base sa google maps, 18km ito mula sa Kilometer Zero. Wala lang, share. Pero maraming salamat sa akdang ito. Na-pwera-usog ang kagusutuhang kumpletuhin ang personal na sanaysay ng mga ligalig at lakbay (na hopefully, matapos ko nang matindi-tindi kasi puru pa rin sample size ang naipapasa, haha!)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento