Nanaginip ako.
Kasama ko yung kalandian ko, pumunta kami sa PUP Sta Mesa para manghingi ng tulong sa President Prudente sa hindi mai-explain na dahilan. Hindi ko alam kung may kaso ba ako, o feel ko lang mag-walk down the memory lane.
Dala niya ang convertible, dumaan kami ng Pandacan Oil plant at OsmeƱa Highway at nagtaka siya bakit dun ako nakatapos ng college. Nang sinabi kong idaan sa pusod ng Sta. Mesa, mas nakita nya ang bangis ng kaligiran ng Altura at Teresa, nang biglang may tren na dumaan at nabangga ang Vios. Nang kami na ang tatawid sa riles via pinalawak na Teresa street, nakita ko mula sa kanang side mirror ang kotseng nabundol. Pipi, parang silver car na nilapirot at nangitim.Pagdating namin sa gilid, sinabihan kami ng isang volunteer na magtestify sa barangay hall dahil isa kami sa saksi. Kinabig ko si ate na pupunta muna ako sa Presidente at siya'y tumango sabay sagot ng, "Sakto, 69. Yan din ang bayad mo sa parking dito sa gedli, ako na mismo magbabantay."
Takang-taka ang kadate ko nang magulat siyang kilala ako. Retouch ng red Mac matte finish, konting reapply ng Joe Malone, pumasok ako sa gate nang pinatigil ang kasama ko. "Hindi ka namin kilala. Alumni ka ba rito?" Nagalit yung kasama ko kung bakit hindi in-allow pumasok at hinanapan pa ng written explanation dahil wala naman siyang ID, at nagsimulang umapila dahil pumasok lang ako nang walang pasubali habang titig na titig sa aking bibig. "Babalik po ako, samahan ko lang po sya nang mabilis."
Dumaan kaming catwalk. Nagtaka siya at ang konti ng mga tao. "Wala bang pasok?" Ang naisagot ko na lang, "kakaulan lang siguro at katatapos lang ng baha. Or maaaring online class sila today." Pagdating sa South Wing, nagkaroon na ng sariling pwesto sa Sampaguita Canteen ang tagagawa ng Chicken Ala-King rice meal at FEWA, at may videoke na rin sa loob. Nasabi ng date ko na dun siya maghihintay at hahanap ng kausap, at maghahanap sya ng sasagot sa tanong na bakit hinahanapan ng written explanation ang hindi naman alumni. "Hindi ba dapat ang edukasyon ay bukas sa lahat!? At bakit parang kilalang-kilala ka rito? Sabi mo sa BGC ka manager. Grumadweyt ka lang at nagka-CPA eh ang asta ng paligid ay parang may-ari ka ng school eh."
Iniwanan ko siya sa canteen, tinanong ang isang lalakeng patapos nang kumain kung saan na ba ang office ng President Prudente. Sumagot ng "mam baka andun pa rin sa Cashier Office, parang nagmamadaling galit." Tinanggal ko ang mic sa videoke at sinabi kong, "siguro kapag tinupi ang cord, gaganda ang tono at echo" saka ito ibinigay sa kanya.
Naglakad akong muli at naamoy kong muli ang pinaghalong sangsang ng Ilog Pasig at nasusunog na petrolyo mula sa Pandacan. Bumati sa mga guard, sa mga ateng nagwawalis sa kabilang dulo ng West wing, bago ako napadpad sa Cashier's Office. Pagkakatok ko, dahan-dahan akong pumasok, at namataan ko ang presidenteng suminghal, mukhang katatapos lang ngumawngaw. Lumingon at nakita ko, sabay sabing "Hello."
Tapos nagising na ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento