2022 flew like a haze. When we met last April, everything seemed confusing. In the middle of a passionate movement, our passion for each other dwindled down. He recently passed the Internal Medicine licensure exam and decided to specialize in Neurology. But after two months of having a 36-hour duty in East Ave Medical center, he changed.
It triggered his depression. He hears his thoughts too loud, found himself hard to sleep, let alone rest. A voice saying that he should give up on life. "Buti na lang hindi ako humantong sa self-harm"
He said he's guilty of our situation not progressing much since the start of Pandemic. He's worried that he is not attaining the "provider status" he longed in his younger years.
Then nag-disappear for two months. He resurfaced after me non-stop bugging him, having anxieties of our future together and the what-ifs, lalo na nang masabi ko na gusto kong sumubok ng OFW experience. Diaspora trope, just like the 70s.
"Do what makes you happy. If you want, you can even meet men; just let me know. Even though it hurts."
Ansakit pa rin, grabe. Ngayong taon, mas marami ang pagkakataon ng pangungulila at yung pakiramdam na wala kang kinakapitan. Walang angkla. Walang kasiguruhan. Kumakapit ka sa pag-asa na baka magsimula siya na umahon sa lugmok ng depresyon, at makita nya na may liwanag sa kabilang dulo. Kahit hindi ako yung dulo. Tanggap ko naman na hindi ako priority.
Pero habang tumatagal, nasasanay ako sa pag-iisa at nabanggit ko ang inggit sa ibang mga mag-boyfriend na nakakapag-celebrate sila ng anniversary nila.
In our three years, we never had any celebration of sorts. Walang marka ng milestone. Parang walang direksyon. He even blocked me on social media before sa tindi ng selos. Tinanggap ko pa rin yun, kasi malaki ang trust issue niya.
Pero yung katotohanang parang hindi ako nakikita sa side nya, masakit. Mahirap maging invisible. Mahirap tanggapin na kapag namatay siya, hindi ako makaka-attend ng burol o ng libing niya, kasi walang nakakakilala sa akin — sa side niya. Kung anong kwento ko sa pamilya ko ng aking kasintahan, kabaligtaran ang sa kanya.
Parang akong kabit na ewan. Pero tanggap ko yun, andami ba naman niyang pinagdaanan. Nirespeto ko yung decision niya.
Naiiyak pa rin ako, sorry. Ang sakit ng feeling na ghosted ako. Kaya nung sinulat ko yung break-up letter, sinubukan kong i-send sa email. Kasi hindi niya binabasa yung Line app — yung tanging gamit namin sa pagke-kwentuhan.
Kaya nang sumagot siya... Hindi ko masikmura. Tinanggap lang niya, hindi man lang ako inilaban. Nakakainis na nakakalungkot kasi pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat. I was shaken and affected that even little snide remarks of officemates that I used to ignore, eh nagko-cause ng unhealthy anxiety. Nilubog ko ang sarili ko sa work, pumapalo ng 13hours ang stay ko sa opisina na hindi naman dapat.
Dapat medyo magaan na ang lahat, kasi nagkakaroon ulit ng reset. Na-solidify ang timeline sa sarili. Pero kapag nakikita ko yung mga sinulat ko tungkol sa amin, napapa-ugly cry na lang ako.
Ang masaklap, parang ini-invalidate ng mga magulang ko yung pinagdadaanan ko. "Jowa-jowaan". Ganun. Parang laro. Kasi walang accountability. Hindi ko ba talaga deserve ang makatarungan at mapagpalayang pag-ibig? Breadwinner na lang ba ako forever? Ang bigat pa rin, kahit pinipilit kong i-compartmentalize bawat araw. Ni sa sariling kama sa family home, hindi ko pinapakita yung pag-iyak ko.
Feeling ko invisible pa rin ako.