My rating: 5 of 5 stars
"Anong rank mo?"
"Mythic na. Hindi nga lang makalampas sa 25 stars. Laging akyat-baba sa RG."
"Aahhh."
Tatanong-tanong tapos hindi ako isasali sa rank gaming. Qiqil.
Hanabi main ako sa ML. Marksman ang pabebe role ko kapag nase-stress ako sa trabaho at gusto kong mantrashtalk. Ginagawa kong outlet ng galit ang ML. May mga araw na kahit antok na antok na ako ay iga-grind ko pa rin ito, kahit ang mga battle points naman dito ay hindi kayang maipalit as crypto. Also, bawal rin ang sugal sa mga katulad naming banker. Baka masisante ako sa trabaho.
Mula noong pandemic lockdown, nakahiligan ko na ang abugbog berna at ganking ng ML to the point na lahat ng galit ko — mula sa trabaho, sa binabasa kong libro, sa sitwasyon ng mundo — iminumura ko sa mga bonak kong kalaro. Madalas, wala akong kasamang tank na makikisayaw sa rambol, o magti-TP man lang para mang-istir, o iikot at dadalaw sa lane ko habang nang-iipon ako ng pambili ng item para mas lalong lumakas. Lalo akong nagaglit kapag sunud-sunod ang lose streak. Kapag limang sunud-sunod, nakakagago. Mas masarap magmura. Mas masarap sabunutan ang kalarong hindi mo makikita kahit surang-sura ka na. Hanggang sa ang galit na iyon ang magpapaapoy para ituloy ang laro, at hindi ko namamalayang ninanakawan na ako ng oras ng pagtulog.
Ganitong level ng galit ang naramdaman ko habang binabasa ko ang nobela ni Bhosz Vivo mamen. Nakakagagong isinasampal sa akin na mula noong mamulat ako sa Mabangis na Lungsod ni manong Efren Abueg ay hindi pa rin nagbabago ang bulok na ugali ng mga pulis. Kung sinong dapat ang tutulong sa iyo... naku, kapag napagtrip-an ka, silang mismo ang papaslang sa iyo. Ang daming poot habang binabasa ko ang bawat galaw nito nina Rey at Benjo. Ride or die talaga ang overdrive adventure nila. Feeling ko hindi Hanabibi ang peg nito ni Rey, mas fighter siya katulad ni Aulus. Tangan-tangan ang pambihirang martilyo, nilibot niya ang mala-jungle na kamaynilaan, matunton laman ang tunay na lokasyon ng nawawalang anak na si Alison. Tapos, tank partner niya si Benjo, Belerick lang na may vengeance na battle spell. Para kapag sinaktan ang beshie, mas malakas ang kanyang ulti. Buma-bounce-back sa kalaban ang tinitira, at siguradong KS na ni Aulus. Este, ni Rey pala.
Mas damang-dama ko ang sensibilidad ng akda, kasi napuntahan ko na ang ibang mga nabanggit na lugar sa nobela: ang Brgy. Sta. Rosario na isang ilog lang ang pagitan sa Comembo, ang Overlooking view sa Antipolo, ang Mandaluyong Maysilo kung saan naroon ang mga nag-e-ML na pulis, ang Simbahan ng Pateros, at ang mapulang ilaw at mapanghing chongki-an ng Poblacion. Speaking of chongki, naisip ko na ring minsan na umupo sa gedli at sumindi ng doobie, tas kahit ang sangsang ng boga mo eh parang nagkakaroon ka ng powers tapos mapapakanta na lang ng mahiwaga, mahiwa-marijuana shotgun shotgun ganja ganja buddha buddha. Parang siguro ang sarap din maging hipster pusher na hakdog na ganda lang ang puhunan sa gimikan, tapos may sanlibo ka nang maisusuksok sa bra.
Pero feeling ko, hindi layunin ng mga akdang tulad ni Bhosz Vivo mamen ang mainggit ka sa pagiging out-of-touch na mga nilalang na katulad ni Katrina. Mas gusto niyang hamigin ang iyong konsensya sa pagpapakilala niya sa mga katulad ni Manang Belen na walang alam kundi pumalahaw ng luha at magsumbong sa kalangitan para sa hustisya ng pinaslang niyang anak, at ginawang sisidlan ng bato. Putangamang eksena yun, hindi ko na mawala sa puso ang guilt-trip malala. Rekta sa konsensya. Sa tuwing nababasa ko ang mga ganung eksena, naalala ko yung pabalang kong sagot kay Manong FSJ kung bakit ko binoto si Duterte. Sumalangit nawa ang perennial wisher ng Nobel Lauriat kineso, pero mas nahihindik ako nang marinig muli ang distant echo ng aking edgy hipster voice:
"Binoto ko sya kasi gusto kong makita ang Pinas ay nasusunog. Para Lalo tayong magalit, at sana, dito tayo magsimulang kumilos. Dala ang galit, mas kilala na natin ang malaking kalaban."
Huli ko nang ma-realize na hindi lang isang buktot na Doturtle ang big boss. Dadaan pala tayo sa isang masalimuot na makinarya ng facebook playbook at troll farms at mind-conditioning ng kapwa pinoy, at makakasalubong natin sa social media ang mga kalamnan at diwa ni Monching na DDS forever hanggang mategi.
Inangyan, andaming bonak sa lipunan. Hindi lang sila sa ML makikita talaga. At ayoko sanang maging ganun ka. Sana, kapag makaipon-ipon ka ng kaunting pera, bilhin mo itong nobela. Umupo ka sa gedli, pagnilayan ang ika-15 kabanata:
"Kinokoronahan ang demonyo sa panahong ito at alam nilang nasa panig nila ang marami. Kapangyarihan, impluwensya, simpatya. Lunod na lunod sa saya, lasing na lasing sa ligaya. Dugo't luha ang langis ng giyerang minamakina."
Tangan ang galit, magsimulang magbitbit ng martilyo. Bilang kolektibo, mag-rank-up tayo.
View all my reviews